[18]

230 9 3
                                    

"Salamat Mico" patuloy na nagpapasalamat si Madelaide sa akin. May van sila Kael kaya naman ito na ang ginamit namin. Ang gara talaga nitong ulol na to.

"Okay lang." nakangiting sabi ko. Sumandal siya sa balikat ko. Nakaupo kami dito sa pinakalikod dahil ayaw marinig ni Kael na nag-uusap kami. Na para sa kanya ay para daw akong nagsasalita mag-isa. Nakaupo si Kael sa harap.

Katabi niya ang driver nila.


"Naalala ko yung sabi ng ate mo, ang sabi niya kasalanan daw niya kung bakit ka namatay" tumingin ito sa akin ngunit sumandal ulit siya.

"Wala siyang kasalanan. Desisyon ko ang lahat" sabi niya.

"Ano bang nangyari? Sabihin mo sakin para maintindihan ko" naramdaman ko ang pagtango niya.

"Naiinggit si ate sa akin kasi lagi akong pinapaboran ni papa. At yun, nag-away kami nung araw na yun. Doon niya nilabas ang hinanakit niya sa akin. Nasaktan ako, pero mas nasaktan ako dahil hindi ko naman alam na ganun pala ang nararamdaman niya."

Suminghot siya at tumingin sa bintana.


"Kaya naman nung gabi at wala nang tao. Naisip kong magpakamatay. Kasi hindi ko na kaya. Yung mga pambubully nila. At para hindi na maramdaman ni ate yung favoritism. Ayokong saktan ang ate ko kaya naisip ko na baka pag nawala ako, mawawala ang sakit na nararamdaman niya."

Pinatahan ko nalang siya at hinaplos ang braso niya.

"Hindi mo kasalanan at hindi niya rin kasalanan. Walang may kasalanan sa inyo." Nakangiting sambit ko.

"Pero nagsisisi ako, kasi laging umiiyak si ate. Palagi niyang sinisisi ang sarili niya sa pagkamatay ko. Yung din ang dahilan kung bakit lumipat ang papa ko sa Bulacan." Malungkot niyang sabi.


Naiintindihan ko na ang lahat. Kung bakit akala ni Maddy ay siya ang dahilan, pero ang totoo ay hindi.

Nakarating na kami sa titirhan namin. Maliit lang ang bahay at kasya na kami ni Kael doon. Isang floor lang siya at may tatlong kwarto sa loob. Isang banyo at yung kusina. Maliit lang ang salas.

Nagpahinga muna kami dahil maaga pa. Higit isang oras lang naman yung byahe pero maaga kaming umalis. Alas sais palang ng umaga kaya itinulog muna namin bago kami pupunta ng ospital.


"Pupuntahan ko ang papa ko." Bulong ni Madelaide. Tumango ako sa kanya.

"Pagkapahinga namin, pupunta kami dun" sabi ko.

Ngumiti siya at hinaplos ang buhok ko. Nginitian ko lang siya at hinawakan ang kamay niya. Tinanguan ko siya.

"Okay lang ako. Puntahan mo na ang papa mo" sabi ko.

At sa isang iglap, bigla nalang siyang naglaho.


--


"Tapos ka na maligo?" sigaw ko mula dito sa kwarto. Nakabukas ng kaunti ang pintuan ng kwarto at ganun din ang kay Kael.

"Oo. Nagbibihis na ako" sigaw nito pabalik.

Nagwax nalang ako ng buhok ko pagkasuot ko ng shirt. Sinuot ko na rin ang sapatos ko at pinuntahan si Kael sa kwarto niya. Naabutan ko siyang nakaayos na at nagwawax rin ng buhok.

Nang matapos ay napatingin ako sa orasan. Alas nuebe. Sakto lang ito. Dumiretso na kami sa van at pinagpahinga nalang namin ang driver ni Kael dahil ito nalang ang magdadrive.

7th Sense: HauntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon