[15]

257 13 3
                                    

Binabasa ko ang binili kong libro tuwing wala si Madelaide. May mga animated pictures ito kaya naman pala makapal ang libro. Ito ang unang beses na natuwa ako sa isang libro. Nakakatuwa kasi parang pareho yung story sa nangyayari sa amin ni Madelaide.

Ang pinagkaiba lang ay mabubuhay ang babae sa huli. Na-comatose kasi ito at muling nabuhay para sa lalaki.

Naisip ko, possible din kayang ganun si Madelaide? Pinilig ko ang ulo ko. Hindi maaaring mabuhay pa siya muli. Patay na siya. Pero paano kung hindi pala? Paano kung na-comatose lang din siya parang yung character dito sa libro?

Natawa nalang ako sa sarili ko. Pilit kong binubuhay ang isang matagal ng patay.


Nagreview nalang muna ako dahil sobrang lapit na ng finals. Wala namang masyadong rereviewhin, lalo na kung noon ko pa memoryado ang mga ito.

Hapon na ng matapos akong magreview at nakatulog din ako pagkatapos. Nagising akong nakatabi si Madelaide sa akin at hinahaplos niya ang buhok ko. Tinignan ko lang siya at napangiti. Nakapikit siya habang hinahaplos ang buhok ko.

Bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Tinitigan ko muna siya habang nakapikit at nagha-hum. Nag-iba na ang itsura niya mula sa grade 4 na umamin sa akin. Mula sa batang uhugin ay naging ganito kaganda. Hindi ko naman intensyon na iwasan siya dahil lamang umamin siya sa akin noon.


Wala kasing talo talo, hindi ako pumapatol ng bata noon. At kaibigan ko siya, hindi pwede. Ayokong maging dahilan para masaktan siya, pero too late. Masyado nang huli para magsisi ako. Kaya itutuon ko nalang ang atensyon ko sa pagtutulong sa kanya.

Naisip ko rin naman na baka kapag naging kami noong magkaibigan kami ay hindi na bumalik ang dati kapag nagkahiwalay kami. Maraming taong ganyan ang problema, ayaw makipagrelaysyon sa kaibigan kasi natatakot na baka pati yung friendship ay mawala.


"Nag-eenjoy ka atang bantayan ako?" mahinang tanong ko. Gulat siyang tumingin sa akin at biglang tumayo. Natawa nalang ako dahil sa gulat ay napaupo rin siya sa sahig.

Inalay ko ang kamay ko pero hindi niya ito kinuha at tumayo ng kusa.

"May masakit ba sayo?" tanong ko at ngumiti siya.

"Wala akong naramdaman" nakangiting sabi nito. Right. Bakit nga naman siya masasaktan kung hindi niya mararamdaman yun?


Lumapit siya sa side table ko at tinuro ang librong binabasa ko. Nanlaki ang mata ko at agad itong kinuha at nilagay sa ilalim ng unan ko.


"Nagbabasa ka pala ng ganyan?" tanong niya.

"Hindi ah! Napulot ko lang yan." Pagsisinungaling ko pero ngumiti lang siya. Umiwas ako ng tingin.

"Talaga? Basahin mo naman sakin. Ang cute ng cover eh" sabi niya. Umiling ako.

"Hindi pwede sa mga bata yan" sumimangot nalang siya.


Tinawanan ko nalang siya sa pagmamaktol niya. Gusto talaga niyang basahin ko ang libro para sa kanya. Ayoko nga. Baka mamaya magka-ideya pa siya kung anong nararamdaman ko sa kanya.

Napatigil kami sa pagtawa ng nakarinig kami ng ingay. Bigla siyang tumakbo sa bintana at sinilip ang bahay niya. Pinatay ko muna ang ilaw ng kwarto ko saka siya tinabihan at sinilip kung anong ingay yun.

Nakailaw ang bahay ni Madelaide at nagtataka ako dahil imposibleng pumunta ang caretaker ng ganitong oras. Alas nuebe na ng gabi.

Namatay ang ilaw sa na nagmula sa kwarto ni Madelaide at namatay na ang ilaw sa itaas. Nasilip kong may bumaba sa hagdan mula sa malaking glass window ng bahay. Namatay na rin ang ilaw sa ibaba at may lumabas na isang lalaki. Isinara na niya ang pinto.

7th Sense: HauntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon