Sinamahan ko si lolang magsimba ngayong araw. Napansin ni lola na pumipikit-pikit ako. Inaantok ako dahil hindi ako masyadong makatulog dahil iniisip ko si Madelaide. Siya nga yun, at hindi parin ako makapaniwala. Hindi rin ako nakatulog dahil wala si Madelaide kagabi.
Mukhang nasasanay na akong nakabantay si Madelaide sa akin habang natutulog.
"Hindi ka ba nakatulog?" tanong ni lola nang makalabas sa simbahan pagkatapos ng misa. Umiling ako kay lola at humikab.
"Mauna ka nang umuwi. Dito muna ako sa mga kaibigan ko" sabi ni lola. Tinuro niya yung mga lolang nagkakape rin sa isang shop. Tumango nalang ako. Malapit lang ang bahay namin dito at hindi na kailangan ni lola na sumakay o tumawid kaya ayos lang sa akin.
"Uwi ka rin agad lola ha? Ingat ka." Sabi ko at umuwi na. Pagkauwi ay dumiretso akong natulog ulit. Naalala kong mga alas tres na ng umaga ako nakatulog kaya naman nakatulog ako agad ngayon.
__
Nagising na ako at kinuha ko ang phone ko. 2pm na. Nakarinig rin ako ng mga kalampag sa kusina, at tingin ko ay nandito na si lola. Inopen ko ulit yung article na binabasa ko, yung tungkol kay Madelaide.
Nagsearch pa ako ng iba, pero pare-pareho lang ang lumalabas. Napailing nalang ako at nakaramdam ng inis para kay Madelaide. Hindi siya baliw. Naalala ko na, hindi siya baliw at sadyang tahimik lang siya noon. Wala siyang ibang kinakausap bukod sa akin.
Tinago ko na ang phone ko at tinitigan ang kisame. Tinatamad pa akong bumangon. Pero naalala ko yung picture, prom yun noong grade 6 ako. Ang ibig sabihin nun any grade 4 si Madelaide. Hindi ko maintindihan. Paanong siya yung kasama ko?
Pumikit akong muli.
"Mico." Agad akong bumangon at hinanap ang pinanggalinan ng boses. Nakita ko siyang nakaupo ulit doon sa swivel chair ko.
"Asan ka kagabi?" tanong ko. Medyo nandiri pa ako sa sarili ko dahil sa pagkakasabi kong parang nagtatampo. Ano bang nangyayari sa akin?
Ngumiti lang siya.
"Hindi ka ba makatulog? Sorry" sabi niya. Ngumiti nalang ako ng tipid. Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin at nailang ako. Mukhang pati siya ay nailang na rin.
"Paanong ikaw yung kasama ko nung grade 6 prom, kung grade 4 ka pa nun?"
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Hindi mo ba maalala? Bawal ang lower grades noon. Tumakas ako at ginamit ang ID ng ate ko. Dahil hindi naman pumunta si ate sa prom at pinayagan niya akong gamitin ang ID niya."
Tumango nalang ako. Sabagay, sa sobrang pagkakamukha nila ay mapagkakamalan mo silang kambal pero mas matanda pala si Maddy ng isang taon. Pero hindi ko naalala yun.
"Umamin ka sa akin noon diba?" tanong ko at umiwas ng tingin. Naalala ko ang pag-amin niya na gusto niya ako. Kahit na bata palang kami noon.
"Pero sinabi mong magkaibigan lang tayo" ngumuso ako at nahiya bigla. Hindi ko naman kasi alam na itong kapitbahay kong kaluluwa na ako ang ginugulo ay yung umamin sa akin na nireject ko pa. Hindi ko rin naman kasi siya gusto noon. Bata pa kasi kami, at mas bata pa siya.
Umubo ako. Napansin kong umiiwas rin pala siya ng tingin.
"Madelaide." Tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at hindi ko mapigilang hindi humanga sa ganda niya. Kung sana lang ganyan ang itsura niya noong nagpakita siya sa akin ay hindi sana ako natakot.
BINABASA MO ANG
7th Sense: Haunt
ParanormalHer heart skipped a beat, which is unusual because her heart never beats. ||Book 1 of 7th Sense Trilogy||