Falling inlove to a person in an unexpected way is truly amazing
Not unless, she's taken.
Funny isn't it ?
Kasi naman, sa dinami-rami ng single sa buong mundo, mali pa yung napana ni kupido para sa'yo. Tinamaan ka nga ng lintik.
Pero sabi nga nila, when you loved someone, you simply love them without any reason.
Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako magpapakatanga para sa pag ibig, No, Not again. Hindi ko na hahayaan na masaktan ako ng kahit na sino. Pinangako ko hindi ako magiging malapit sa kahit na sino, magshare ng secret na alam ko magagamit nila against me. Naging maingat ako sa kilos at pananalita dahil ayokong maging parte ng buhay ng kahit na sino.
But SHE HAPPENED. She came into my life unexpectedly.
Hindi ko alam kung paano nagsimula, eventually hindi ko sya gusto. As in hindi talaga. Wala sa bokaboluryo ko ang mahulog sakanya. Pero sa paglipas ng panahon, namalayan ko nalang unti-unti ko ng binubuksan ang sarili ko para sakanya. Unti-unting pinapasok ko sya sa mundo ko. Unti-unti nararamdaman ko ang pagbabago sa sarili ko. Pagbabagong hindi ko alam kung makakabuti saakin o makakasama.
I've been confused, confused for what I really feel for her. Because why ? Why of all people, why her ?
Pwedi naman iba nalang, pero bakit sya pa ?
Wala ako'ng nakuhang sagot sa mga 'bakit' ko.
Hanggang sa isang araw narealized ko at tinanggap ko nalang na GUSTO ko sya.
Oo, Gusto kita...
Mga katagang gusto ko'ng sambitin tuwing kasama kita ngunit hindi ko magawa dahil TAKEN ka.
Hinayaan ko ang sarili ko na malunod sa nararamdaman ko, kahit alam ko'ng mali. Hindi dapat kita ginugusto, pero ano'ng magagawa ko ? Ayaw papigil ng puso ko. Hanggang sa hindi ko na nga namalayan, binibigyan na pala kita ng karapatan na saktan ako.Kinaya ko ang sakit dahil narealized ko, okay lang pala ang masaktan basta IKAW ang dahilan.
BINABASA MO ANG
SHE HAPPENED
RomancePaano mo malalaman pag may gusto ka sa isang tao ? Ito ba yung, tingin ka ng tingin sakanya ? Yung tipong mawala lang saglit sa paningin mo hindi ka na mapakali. O di kaya, Kapag tumingin sya sa mga mata mo pakiramdam mo tumitigil ang mundo. Yung...