CHAPTER 15

6 0 0
                                    

YANA's POV

After makaalis nila lolo ay tumayo na rin ako upang magpaalam.

"Mauna na ako, Dad. "

"Saan ka naman pupunta ng ganitong oras ?"

"Hindi ko alam. Pero isa lang ang alam ko, gusto ko ng makaalis sa lugar na ito. "

Dinampot ko ang bag ko at umalis ako. Tinawag pa ako ni Dad pero hindi ko na sya nilingon.

Naiinis ako. Naiinis ako sa nangyayari. Bakit kasi kailangan nila pangunahan ang buhay ko ?

Bwesit !

"Yana !" Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang tumawag saakin na walang iba kundi si Lester. Tumakbo sya patungo saakin.

Nasa labas na din ako ng hotel at buti nalang wala na yung mga reporter.

"Oh, ano naman ang kailangan mo ?" Pagtataray ko.

"Pwedi ba ako sumabay sa'yo ?" Humahangos pa ito.

"H-uh ?" Kunot noo ko'ng tanong. "Paano ka naman sasabay saakin wala naman ako sasakyan. Saka isa pa, hindi mo naman alam kung saan ako papunta."

Actually, ako din hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Napakamot ito sa ulo. "Actually, gusto ko lang sana humingi ng pasensya sa nangyari kanina. Alam ko'ng nabigla ka. Ako rin naman, hindi ko inaasahan na ikaw pala ang ima-match nila saakin. "

Napabuntong hininga nalang ako at nagsimulang maglakad. Sinabayan nya naman ako. "Wala ka naman kasalanan do'n. Abnormal lang talaga ang mga magulang natin. Ang dami nilang pauso. Imagine, sa panahon ngayon uso pa pala ang arrange marriage. "

Natawa naman ito. "Actually, expected ko na mangyayari ito. Bata palang kasi ako sinasabi na ng lolo ko na dapat ang mapangasawa ko ay galing sa kilalang pamilya at sila ang pipili no'n para saakin. "

Tinignan ko sya. "Okay lang iyon saiyo ?"

"Hmm." Bahagya ito'ng ngumiti at tumango. "Wala naman ako choice. Kailangan ko silang sundin. "

Napasimangot ako. Masyado naman sya masunurin sa pamilya. "Eh paano pala pag nagkataon na may minamahal ka na tapos ipapakasal ka sa iba ? Iiwanan mo ba yung taong mahal mo para sundin ang pamilya mo ?"

Hindi ito agad sumagot. "Hindi ko masasagot ang tanong mo. Kasi hindi pa naman ako nakakatagpo ng iibigin ng seryuso. " Humugot ito ng malalim na buntong hininga bago nagpatuloy. "Pero kasi sabi nila, lagi mo daw piliin ang pamilya. kasi sila ang laging nandyan para saiyo. Kahit na ano'ng mangyari. "

"So, sinasabi mo na kahit sobrang mahal mo yung isang tao pag sinabi ng pamilya mo na pakasal ka sa iba at iwanan mo sya, gagawin mo ?"

Ngumiti ito saakin. "Hindi ko gustong umabot sa puntong iyon. Kaya kung alam ko'ng hindi kami magwowork ng babaeng nagugustuhan ko, ititigil ko na. Ayoko ng pahirapan ang mga sarili namin, kung bandang huli matatalo lang din kami. Hindi ko kayang suwayin ang pamilya ko."

Napabuntong hininga nalang ako. "Eh paano kung ayoko sa'yo ? " Diretsong tanong ko. "Hindi kita gusto at ayokong makasal sa'yo. May mahal na ako'ng iba, yun ang totoo. "

Hindi agad ito umimik ngunit kalauna'y ngumiti rin. "Hindi pa rin ako ang magdedesisyon. Nakasalalay iyon sainyo kung puputulin nyo ang kasunduan. "

Lumaylay ang mga balikat ko dahil sa mga sagot nya. Mukhang wala ako'ng mahihita sa isang ito.

"Gagawin ko ang lahat para sirain iyon. Hindi ako makakasal sa'yo. Tandaan mo yan. "

SHE HAPPENEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon