CHAPTER 17

19 0 0
                                    

JAYDEN's POV

Nagmulat ako ng mata, sobrang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan ako bumangon sapo ang aking ulo at naupo sa kama. Hindi ko na matandaan kung paano ako nakauwi at kung kaninong--

Teka--

Kaninong kwarto ito ?

Iginala ko ang paningin ko. Hindi ako pamilyar sa kwarto.

Natatandaan ko si Khriz ang kasama ko kagabi. Ibig sabihin nasa bahay nya ako ?

Bumukas ang pinto kaya napatingin ako ro'n. Laking gulat ko ng makita si Mae.

"Gising ka na pala. " Saad nito saka sumandal sa door frame at pinag krus ang baso. Sa itsura nya ay tila ready na sya pagalitan ako. "Bumangon ka na riyan ng makapag almusal."

Teka, nananaginip ba ako ?

Kinusot-kusot ko ang mata ko, baka kasi namamalikmata na ako. Imbes na si Khriz ang makita ko si Mae na ang nakikita ko.

Dali-dali ako lumapit rito at kinurot ko ang pisngi nya. "Teka, totoo ka ba ? "

"Aray, Ano ba ?" Inalis nya ang kamay ko. Doon ko napagtanto na totoo sya.

Natawa ako sa ginawa ko. "Totoo ka nga. "

Agad nawala ang ngiti ko ng marealize ang nangyari kahapon. Hindi ba dapat hindi kami, okay ?

"Hays ! Nag iimagine ka nanaman. "

Napakamot ako sa batok. "Akala ko kasi nasa ibang bahay ako. "

"Nasa guest room kita. Dito kita pinatulog. Dito ka hinatid ni Khriz at Rose Anne kagabi. Lasing na lasing ka kasi." Matapos nya sabihon iyon tinalikuran nya ako at naglakad paalis. Sumunod ako sakanya. Para ako'ng tutang sumusunod sakanya.

Napatigil ako ng tumigil sya. Nasa dining area na kami.

Hinarap nya ako saka humugot ng upuan. "Umupo ka." Saglit ako natigilan, pero sa huli sumunod rin ako. Umalis sya at nagtungo sa kitchen island. Pinanood ko lang sya magsalin ng kung ano may sabaw sa mangkok.

Ang totoo, hindi ko alam kung paano magrereact sa ganitong sitwasyon. Pagkatapos ng nangyari, hindi ko alam kung paanong pakikitungo ang gagawin ko. Ang awkward lang.

Bumalik na sya dala ang mangkok. "Kainin mo yan. " tinignan ko yung binigay nya. Sopas iyon.

Paano ako hindi mahuhulog sakanya kung ganito sya saakin.

Tinignan ko sya, nakaupo na sya sa harapan ko. Nagkakape habang hawak ang phone. Doon nakatuon ang atensyon nya.

"Thank you."

"Hmm."

Hindi na ulit kami nag usap. Kumain ako ng matahimik habang sya abala sa phone nya.

"Hindi ka ba papasok ngayon ?" Pagbasag ko sa nakakabinging katahimikan.

"Papasok." Maikling tugon nito ang paningin nasa phone pa rin.

Napabuntong hininga ako at inagaw ko phone nya. Dahilan para mapatingin sya saakin.

"Ayan, tumingin ka rin. "

"Akin na yan." Seryusong saad nito. Patungkol sa phone nya.

"Kapag nagsasalita ako gusto ko tumingin ka saakin." Seryusong saad ko rin. "Iyon ang proper." Sinuli ko na rin sakanya phone nya.

"Okay, boss." Pinagsalubungan ko sya ng kilay dahil sa sagot nya. "Why ? You're acting like a real boss now. "

Napabuntong hininga nalang ako at ibinaba ko yung phone nya.

SHE HAPPENEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon