CHAPTER 4

16 0 0
                                    

JAYDEN's POV

Pumapatak ang ulan ng bumaba kami sa bus stop. Nasa kabilang kalsada pa ang mall, kung saan doon imi-meet ni Mae ang kaibigan nya. Kailangan namin akyatin ang footbridge upang makarating sa kabila. 

"Hala, hindi tayo nakapagdala ng payong." Komento ni Mae.

Pinagmasdan ko ang patak ng ulan, hindi pa ito gano'n kalakas ngunit sa tantya ko mas lalakas ito pag tumagal pa kami rito.

"Kailangan na natin tumakbo patawid baka mas lumakas pa ang ulan pag tumagal pa tayo dito." Hinubad ko ang jacket ko'ng suot at isnuklob ko iyon sa ulunan ko. "Halika dito, para hindi ka mabasa ng ulan." inanyayahan ko sya sumukob saakin. No'ng una nag hesitate pa ito ngunit sa huli ay sumukob din.

"Wow naman. Ang sweet nyo naman dyan. Para kayo yung napapanood ko sa k-drama na magjowa. Magkasukob sa iisang jacket tapos tatakbo sa ulanan. Tapos magkakatitigan.." Imik ni Khriz. Iniimagine nya pa ang nangyayari habang nagkikwento. May pangiti-ngiti pa habang nakatingin sa kawalan. 

Ang lala talaga ng imahinasyon ng isang ito.

Tinignan ko si Mae at inilingan nalang ito 'sinasabing wag na patulan ang sinasabi ni Khriz'

"Tara." Tumakbo kami ng sabay at iniwan si Khriz.

"Huy, antayin nyo ako.. Parang g*g* ampota." Narinig ko pa imik ni Khriz.

Habang tumatakbo hindi ko maiwasan mapalingon sakanya. Pakiramdam ko huminto ang pag galaw ng paligid habang nakatingin ako sa maganda nya mukha. lalo na ng unti-unti sya tumingin din saakin. Ngumiti sya saakin, Pakiramdam ko may paro-parong naglipana sa tyan ko.

Nginitian ko sya pabalik pagkatapos muli namin binaling ang atensyon sa kalsada. Mas binilisan pa namin ang pagtakbo hanggang sa marating namin ang entrance ng mall.

"sheessh!" Pinagpag ko yung jacket ko na nabasa ng ulan. Nilingon ko sya at nakita ko nagpupunas ito ng braso nya nabasa. "Okay ka lang."

"Hmm." Tumingin ito saakin at napadako ang tingin sa kaliwang braso ko. "Basa na yung damit mo." Napatingin ako sa sleeves ng puting T-shirt na suot. Basa nga ito.

"Okay lang ako." Nginitian ko sya. 

"sandali." kinuha nya ang panyo sa bag nya at pinunasan nya ang basa ko'ng braso. Nagulat ako sa ginawa nya pero hindi ko na pinahalata. "Ayan, okay na." Nginitian nya ako.

"Thank you."

"Mga hayop.." Sabay kami napatingin kay Khriz. Masama ang tingin nito saamin.

"Ano nanaman ?" Natatawa ako ng makita ko ang itsura nya, mukha sya basang sisiw.

"Ang sakit nyo sa mata. " Aniya. Hinubad nito ang jacket na suot.

"Pag inggit, pumikit. Wala ka lang kasi kasilong. Kaya ka nagkakaganyan. " Biro ko rito. Kinurot naman ako sa tagiliran ni Mae kaya napaigtad ako and I mouthed her 'what ?'

"Oh, magpunas ka." Binigyan nya ng tissue si Khriz.

"Salamat, ah. buti concern ka rin pala saakin. " Inabot ni khriz ang tissue at sinimulan magpunas.

Nagsimula na nga bumagsak ang malakas na ulan. Kaya ang mga tao sa kalsada ay nagsimula na rin magtakbuhan.

"Okay ka na ?" Narinig ko'ng tanong ni Mae kay Khriz kaya napalingon ako sa mga ito.

"Yeah. Thanks."

Ipinatong ko sa balikat ni Mae ang jacket upang hindi ito lamigin. 

"Malamig sa loob. " saad ko ng tumingin sya saakin. "Tara na, pumasok na tayo baka inaantay na tayo ng kaibigan mo."

SHE HAPPENEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon