CHAPTER 16

7 0 0
                                    

Third Person 's POV

Ilang sandali na ang lumipas ng makaalis si Tristan. Nanatiling nakatayo si Jayden habang nakatalikod naman si Mae sakanya. Kapwa hindi alam kung paano haharapin ang isa't-isa.

Napapikit si Mae, bago dahan-dahan na lumingon kay Jayden. Sinalubong nya ang malungkot na tingin ni Jayden.

Alam nya, aware sya na nasaktan ito sa nasaksihan nito kanina. Masakit din iyon para kay Mae ngunit wala sya choice. Kailangan nya iyon gawin.

"Ano kailangan mo ?" Tanong nito kay Jayden na parang walang nangyari. Napatitig lang dito si Jayden at hindi sumagot. "Ang sabi mo kanina may kailangan ka saakin. Ano iyon ?"

Bumuntong hininga si Jayden bago sumagot. "Wala. Gusto ko lang icheck kung nandito ka na. Sinabi mo kasi aantayin mo ako. Kanina pa ako tumatawag sa'yo pero hindi kita makontak. "

Naglakad palapit rito si Mae. "Iyon ba ? Nag aya kasi lumabas si Tristan. Nawala sa isip ko na magkikita pala tayo. Saka nalobat ako. "

Tumango-tango si Jayden. Pero sa loob-loob nya ay durog na durog na sya. "Buti naman may oras na sya sa'yo. " Ngumiti ng pilit matapos sabihin iyon.

Hindi sumagot si Mae. Nag iwas lang ito ng tingin. "Late na, magpahinga ka na. " Tumingin si Mae rito. Nginitian naman sya ng bahagya ni Jayden. "Magpapahinga na rin ako. Goodnight. "

Hindi na inantay ni Jayden ang sagot ni Mae. Nilagpasan nya ang dalaga at naglakad paalis. Hindi nya na rin nagawang lingunin pa si Mae at tuluyan ito pumasok sa unit nya.

Sa bawat hakbang naman ni Jayden palayo kay Mae ay sya naman ang pagbigat ng nararamdaman ni Mae.

Napatingin ito sa sahig kung saan tumayo si Jayden. Nakita nya ang tatlong bungkos ng rosas. Mas lalong sumikip ang dibdib nya at nagsimulang mag init ang gilid ng mata ng dalaga.

Dahan-dahan sya lumuhod at pinulot ang mga rosas. Kasabay niyon ang pagtulo ng luha sa mata nya.

Napapikit na lamang ito at mabilis na pinunasan ang luha sa mata nya. Pagkatapos tumayo na rin at pumasok ng unit nya.

Pagkasara na pagkasara nya ng pinto ay napasandal nalang ito roon. Ramdam nya ang panghihina ng buo nya katawan. Pagod na pagod sya sa hindi malaman dahilan. Nadaragdagan pa ito ng pagkahilo.

Napahawak ito sa ilong ng maramdaman may likidong tumulo mula roon. Mas lalo ito nanlambot ng makita ang likidong nasa kamay nya.

Humugot sya ng lakas upang makarating sa banyo upang makapaghilamos. Natigil nalang din ang pagtulo ng dugo sa ilong nito.

Pinakatitigan nya ang sarili sa salamin, humigpit rin ang hawak nito sa sink. Ilan sandali pa tuloy-tuloy na tumulo ang luha sa mga mata nya.

Takot, pag-aalala at kawalan ng pag asa ang kanya naramdaman ng mga oras na ito.

JAYDEN's POV

<Few Hours Later>

Pabaling-baling ako sa higaan, hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin sya. Yung nangyari kanina.

Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko akalain na ganito pala kasakit ang umibig.

Napaisip tuloy ako. Kung ganito rin ba ang naramdaman ko noon. Sa babaeng una ko'ng minahal.

Napabuntong hininga ako at inunan ko yung mga braso ko at tumingala sa kisame.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung lalayuan ko ba sya at tuluyan magpapaubaya o mananatili sa tabi nya bilang isang kaibigan.

SHE HAPPENEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon