CHAPTER 2

18 0 0
                                    

Jayden's POV

Flashback 2 years ago

Time check 7:50

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng bus na sinasakyan ko ay agad ako bumaba at kumaripas ng pagtakbo. Kailangan ko magmadali dahil kung hindi, malilate ako sa trabaho. Alas 8 ang pasok namin at may sampung minuto nalang ako para umabot.

10,9,8, mas binilisan ko ang pagtakbo para mahabol ang greenlight patawid sa kabilang kalsada. Madami din tao na tumatawid sa kalsada. Maingat na iniiwasan ko sila kahit na nagmamadali ako.

7,6.....

 boooooggggssshhh

"Shit!" Tanging naibulalas ko nalang ng sa di naasahan may nabangga ako. Agad ako lumingon at nakita ko ang babae nakaupo na sa solid na semento at ang gamit nya ay nagkalat sa kalsada. Nanlaki ang mata ko at naalarma, baka nasaktan ang babae. "Miss, I'm sorry. are you okay ?" Nag aalalang tanong ko. Dinadaan daanan na rin kami ng mga tao na halos wala din pakialam sa nangyari.

Umangat ito ng tingin. Natigilan ako ng magtama ang paningin namin. Gamit ang tingin na iyon ay pakiramdam ko hinihigop nya ang kaluluwa ko. 

Napakaganda nya.

"Okay lang ako. Salamat." aniya na nagbalik saakin sa katinuan. Hindi ko alam kung ano ang ipinagpapasalamat nya eh ako nga ito nakabangga sakanya. 

Pinagdadampot nito ang gamit na nalaglag mula sa bag nya. "No, I should be the one to apologize. Tulungan na kita." Tinulungan ko sya magdadampot ng gamit nya.

Beeep Beeep Beeep

"Aist !" Napatingin ako sa mga sasakyan na dumaraan. Naka Go na pala. "Tara! Tara Bilis!" Dinampot ko ang bag nya at hinawakan sya sa kamay at hinila ko sya patawid. Nakipagpatentero kami sa mga sasakyan. Pero siniguro ko'ng hindi kami mahahagip at safe sya.

"Hay!" Napahinga ako ng malalim ng makatawid kami. Binitawan ko ang kamay nya at hinarap ko sya. Butil-butil ang pawis ko pero hinayaan ko nalang. "Ito, Miss." Inabot ko sakanya ang bag nya.

"Sorry kanina." Hinging paumanhin ko.

"Ayos lang. Pasensya na din."

Nginitian ko sya. Napatingin ako sa relos ko at ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng makitang may limang minuto nalang ako para umabot sa shift ko.

"Shocks! Sorry Miss, I have to go malilate na kasi ako. Pasensya na ulit." Nagbow ako rito at nagmadali ng umalis. Hindi ko na inantay na makasagot pa sya. Kumaripas ulit ako ng takbo papunta sa building ng pinagtatrabahuan ko na hindi naman kalayuan sa pinanggalingan ko.

Eksaktong alas 8 nakarating ako sa office. Agad ako nagtime in.

"Whoo, buzzer beater ah." Si Khriz. May hawak ito'ng tasa na sa tantya ko kumuha ng kape sa pantry.

"Oo nga eh. Nalate ako ng gising. " Sabay kami naglakad papasok ng office namin. Yung mga babaeng nadadaanan namin ay panay ang bati at ginagantihan ko naman sila ng ngiti.

3 months palang ako nagtatrabaho dito sa kompanya at karamihan kilala na ako. Majority puro babae. Hahaha.

Pagdating ko sa station ko napansin ko agad ang isang bote ng energy drink sa table ko at burger. Kinuha ko ang pink na sticky note na nakadikit sa drinks at binasa ang nakasulat.

"Happy Monday cutie :)"

"Grabe talaga, ikaw na." Komento ni Khriz na nakatayo pa rin pala sa tabi ko. "Kanino naman galing yan ?"

SHE HAPPENEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon