CHAPTER 14

9 0 0
                                    

THIRD PERSON POV

Naiwan si Mae na nakatayo, wala sya nagawa kundi sundan ng tingin si Jayden palabas ng resto at makasakay sa mahahalin sasakyan.

Alam nya, tauhan ng lolo ni Jayden yung dalawang lalaking sumundo rito. Panatag naman sya na walang gagawin na hindi maganda ang mga ito kay Jayden. Ngunit hindi rin mawala ang pag aalala nya para rito. Kung bakit pinatawag ito ng biglaan ng chairman.

Napabuntong hininga nalang si Mae. Kinuha nya ang paper bag na naglalaman ng payong at nagdesisyon na lumabas nalang ng resto. Hindi nya na gustong tapusin ang pagkain, nawalan na rin naman sya ng gana.

Pagkalabas nya ng resto eksaktong naglalakad na rin palapit sa tawarin sina Khriz at Flo, magkaakbay pa ang dalawa.

"Oh, bakit mag isa ka Minnie ? Nasaan si Mickey ?" Tanong ni Khriz ng makalapit rito.

Agad naman na tumaas ang kilay ni Mae dahil sa panibagong palayaw na binigay sakanya ni Khriz.

"Minnie ? Mickey ?" Maang na tanong ni Mae rito.

Ngumisi naman si Khriz at tinanggal ang kamay na nakaakbay kay Flo.

"Oo, diba ikaw si Minnie. Yung partner ni Mickey na palaging galit hahaha. "

Sinamaan ng tingin ni Mae si Khriz. "Wala ka talagang magawa sa buhay no ?"

"Meron." Ngumiti ng nakakaloko si Khriz. "Bwesitin ka."

Pinag ikutan sya ng mata ni Mae at hindi na ito pinansin. Masyado ng maraming iniisip si Mae para patulan pa ang pamimikon sakanya ni Khriz.

Samantalang siniko naman ni Flo si Khriz at pinandilatan ng mata, nagbabanta. Agad naman na naitikom ni Khriz ang bibig. Nagpipigil ng tawa. Tuwang-tuwa sya sa asar na mukha ni Mae.

"Ah, wag mo pansinin si Khriz. Hindi lang yan nakainom ng pampakalma kaya hyper. " Imik ni Flo ng balingan nito si Mae. "Nga pala, nasaan si Jayden ? Bakit mag isa ka lang ? Wag mo sabihin na iniwan ka nya ?" Nagtataka ang itsura ni Flo.

Umiling si Mae. "Hindi nya ako inawan. May pinuntahan lang sya importante. "

"Importante nanaman." Kunot noong saad ni Flo. "Mukhang nadadalas yung alis nya, ah." Bumuntong hininga lang si Mae at hindi na sumagot.

Eksaktong nag green light na kaya tumawid na sila ng kalsada. Nauna sa paglalakad si Flo at sinadya naman na sabayan ni Khriz si Mae.

"Yung totoo, saan nagpunta si Jayden. ? " Bulong nito kay Mae. Napalingon rito si Mae, tinagpo nya ang nang uusig na tingin ni Khriz.

"Hindi ko alam. Wala sya sinabi." Tanggi ni Mae at muling ibinaling ang tingin sa kalsada.

"Hindi ako naniniwala na wala ka'ng alam. Maaring hindi napansin ni Florence ito ngunit nakita ko sya sumakay sa mamahalin sasakyan. "

Awtomatikong napatigil sa paglalakad si Mae, gano'n din si Khriz.

"Bukod sa mga nalaman ko sa hospital. Ano pa ang itinatago nyo ? Ano pa ang alam mo ? Sino ba talaga si Jayden ? " Seryusong tanong Khriz.

Tinignan naman sya ng seryuso ni Mae. "Bakit ba curious ka malaman ang tungkol doon ?"

"Wala lang. Nakakaintriga kasi. " aniya saka ngumiti ito kay Mae. "Pero sige, huwag mo muna sagutin para may dahilan ako para singilin ka. May utang ka saakin dalawang kwento. Gusto ko iyong may utang na loob ka saakin. "

"Huy !" Parehong napalingon si Khriz at Mae kay Flo na nakatawid na ng kalsada. "Ano pa ang ginagawa nyo dyan ? Magre-redlight na. Tumawid na kayo. "

SHE HAPPENEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon