CHAPTER 6

24 0 0
                                    

Napadahan-dahan sa paglalakad si Mae ng mapansin nya suot nya pa rin ang jacket ni Jayden. Hanggang sa tuluyan ito napatigil dahilan para mapatigil rin sa paglalakad si Tristan at mapatingin sa kasintahan. Naglalakad sila ngayon patungong parking lot.

"Bakit ? May problema ba ?"

Nanatiling seryuso ang mukha ni Mae. Wala ito emosyon. Ang totoo, mabilis magbago ang mood nito kapag silang dalawa nalang ni Tristan ang magkasama.

Tumungo si Tristan sa harapan nito at namulsa saka tinitigan si Mae. 

Marahan naman na inalis ni Mae ang Jacket ni Jayden na pinatong nito kanina sa balikat nya.

"Nakalimutan ko'ng ibalik ito kay Jayden. " Patungkol nito sa Jacket. Pinakita nya rin ito kay Tristan.

Saglit na tinapunan ng tingin ni Tristan ang jacket bago muling ibinaling ang tingin kay Mae. 

"Pwedi mo naman yan ibalik sakanya mamaya pag dumating sya sa unit nya o kaya pag nagkita kayo."

"Umuulan, wala sya payong nadala. Magcocommute sya pauwi. Lamigin ang isang iyon kaya naman kailangan nya ito. " wika ni Mae na hindi inaalis ang paningin sa jacket na animoy doon nakasalalay ang buhay ni Jayden.

Pinigilan nya wag mapangiti ng maalala kung paano ito magpakatatag kanina sa lamig habang nasa loob sila ng mall. Alam nya, lagi sya inuuna ni Jayden sa lahat ng bagay. Hindi na baleng ito ang mahirapan, wag lang sya.

"Siguro naman makakabili sya ng payong sa loob ng mall. " Imik ni Tristan na nagpabalik sa naglalakbay na isip ni Mae. "Bukas mo nalang iyan isuli. Gabi na at malakas pa ang ulan, baka abutan pa tayo ng matinding trafic sa daan. "

"Ibabalik ko lang ito sakanya. Hindi naman siguro ako aabutin ng ilang oras bago makabalik rito. " Seryusong saad ni Mae. "Antayin mo ako rito. Pero kung hindi ka makapag-antay pwedi ka naman ng mauna. Kaya ko naman magcommute mag isa. " sabay talikod nito kay Tristan na nagpaigting sa panga ng binata.

Mabilis ito'ng kumilos at tumungo sa harapan ni Mae bago pa ito makalayo.

"Teka nga. " pigil nito sa dalaga. "Ano nanaman problema ? Bakit ka nagkakaganyan ?"

Ngumiti ng sarkastiko si Mae. "Drop the act. Wala ng ibang tao na nakakakita. Bakit nasa store ka ng pambabae ? Hindi ako naniniwala na kaya ka nando'n dahil ibibili mo ako ng pabango.  "

Saglit ito'ng natigilan. "Nasagot ko na yan kanina. Kung ayaw mo maniwala, bahala ka. "Iritadong saad ni Tristan. "Para ka'ng kaibigan mo kung mag usisa. Kung ano-ano na siguro ang pinapasok nya dyan sa kukute mo. Sa tingin mo hindi ko napapansin ang kinikilos nya ? Ramdam ko may kakaiba sakanya." Natawa ito ng sarkastiko. "That bastard." Sabay himas sa baba.

Nagsalubong naman ang kilay ni Mae at matalim na tumingin kay Tristan. Kung nakamamatay nga lang ang tingin ay baka bumulagta na ito sa kinatatayuan.

"Oh, ba't ganyan ka makatingin ?" Sita ni Tristan kay Mae. "Wag mo sabihin, kinakampihan mo ang kumag na yun ?" Nang hindi sumagot si Mae ay lalong nagtangis ang bagang nito. "Ano ba'ng meron ang Jayden na yun, bakit lagi sya ang priority mo ? Wag mo'ng sabihin....."

"Ang dami mo'ng sinasabi at kung ano-ano ang iniisip mo. " pagputol ni Mae sa sinasabi ni Tristan. "Maiwan ka muna rito at isusuli ko ito sakanya. Babalik ako. "

Tumalikod si Mae at nagsimulang maglakad. Lalo naman nagpuyos sa galit si Tristan. Ngunit wala ito'ng magawa. Alam nya susuwayin sya ng kasintahan kahit ano'ng pigil nya rito na wag puntahan si Jayden.

SHE HAPPENEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon