MAE's POV
"Girl." Napatingin ako kay Chloe, kaopisina ko. Magkatabi kami ng station at sumilip sya saakin. "Kain na tayo."
Tinignan ko yung wall clock na nakasabit. Mag ti-twelve na pala ng tanghali. Hindi ko manlang namalayan ang oras sa dami ng ginagawa ko.
"Sige, mauna ka na. May kasabay ako." Nginitian ko sila Chloe. Sabay kasi kami ni Jayden na maglalunch.
Nilapit nito ang upuan saakin. "Sus, sabay nanaman ba kayo ng ka BFF premium mo ?" Gumihit ang mapang asar na ngiti nito sa labi.
"Huh ? ano'ng ka BFF premium ang sinasabi mo ?" Kunot noong tanong ko. Paano hindi ko maintindihan ang terminology na ginagamit nya.
Si Chloe, isa sya sa mga kasundo ko dito sa department namin. Halos magka edad lang kami pero mas nauna sya saakin rito sa company.
Nagtatrabaho ako sa isang Telecom company. The Konek Telecom. Isa sa subsidiary ng JMC Holdings na pag-aari ng pamilya ni Jayden.
Walang nakakaalam na ibang empleyado na related si Jayden sa may ari ng kompanya. Maliban saakin at sa CEO nito'ng company.
Gaya ng ibang empleyadong nag-apply dumaan sya sa proseso. Hindi nya ginamit ang posisyon nya para makuha ang trabaho and I'm so proud of her. Magaling naman talaga sya.
"Iyon yung mga terminology na ginagamit ngayon ng mga bagong henerasyon, girl. Yun yung magkaibigan kayo pero parang may something sainyo dalawa. Magkaibigan na may something, gano'n." Paliwanag nito.
"Sira ka. Hindi kami gano'n. kung ano-ano sinasabi mo dya'n." Inirapan ko ito at muling hinarap ang computer ko.
"Aysus! Mamatey ?" Sinundot nito ang tagiliran ko kaya napaigtad ako.
"Chloe, ano ba ?!" Pinandilatan ko ito ng mata. Ngunit mas lalo lang ito ngumiti ng nakakaloko.
"Alam mo kahit itanggi mo yan halata na sa'yo girl. May gusto ka sakanya, no ?" Hindi ako sumagot, tumitig lang ako rito. "Ayan ! Ayan ! Yan tingin na yan. Nakoo ! Nakoo ! Sinasabi ko na nga ba meron eh. !"
"Huy !" Saway ko rito at napatingin sa mga nakapaligid saamin. "Ang ingay mo.!"
"So meron ? Meron ka nga pagtingin sakanya. ?" Pangungulit nito.
Napabuntong hininga ako. "May boyfriend ako. "
"Wrong answer. " Umiiling na tugon nito. "Hindi iyon ang tanong ko. Oo o hindi lang naman girl. Kaloka ka. "
Bumuntong hininga ito ng malalim. "Alam ko mahirap yan pinagdadaanan mo. Nagkakagusto ka sa isang tao tapos may Jowa ka. Nakakabaliw iyon kung iisipin at kasalanan sa mata ng iba. " Aniya. Iniwas ko rito ang paningin at muling hinarap ang monitor. "Pero naiintindihan kita at hindi kita hinuhusgahan. Nangyayari naman talaga iyon sa realidad. Yung committed ka na tapos may darating na isang tao na magpaparamdam sa'yo ng kakaibang pagmamahal na hindi mo naramdaman doon sa una. Regardless kung sino sya, kung ano sya. Basta ang alam mo napapasaya ka nya."
Napatigil ako sa pagtatype at nagsimulang mairita dahil sa kadaldalan nya. Pumihit ako paharap rito. "Chloe, please.. Hindi ko kailangan ang love advice ngayon. Kumain ka na, gutom lang yan girl. "
"Ito naman ang sungit. Gusto ko lang naman maramdaman mo na may isang tao na nakakaintindi sa pinagdadaanan mo. Ako yun." Turo nito sa sarili.
"Oo na, naiintindihan ko pinupunto mo. Pero hindi nga kasi gano'n iyon. Magkaibigan lang kami ni Jayden. Huwag mo na bigyan ng kulay. "
BINABASA MO ANG
SHE HAPPENED
RomancePaano mo malalaman pag may gusto ka sa isang tao ? Ito ba yung, tingin ka ng tingin sakanya ? Yung tipong mawala lang saglit sa paningin mo hindi ka na mapakali. O di kaya, Kapag tumingin sya sa mga mata mo pakiramdam mo tumitigil ang mundo. Yung...