CHAPTER 9

16 0 0
                                    

Imbes na sa clinic ay sa office ni Dan sila dumiretso. Pinauna na rin ni Yana si MJ pabalik ng room.

"Ouch~~ aray.. " Mahinang inda ni Dan habang ginagamot ni Yana ang sugat nya sa labi. "Dahan-dahan naman."

"S-orry. Hindi ko sinasadya. " Hinging paumanhin naman ng nakababata.

Bumuntong hininga nalang si Dan at kinuha rito ang bulak. "A-ko na. Sige na, bumalik ka na sa klase." Cold na tugon ng professor sabay iwas ng tingin sa dalaga.

"Hindi ako babalik do'n hangga't hindi ko nasisigurong okay ka na. "

"Okay na ako, okay ?" Pagsusungit ng professor.

Lumungkot ang mukha ni Yana dahil sa pagsigaw ni Dan rito. Though, madalas sya nito nasusungitan. Hindi pa rin sya nasasanay.

Halos isang taon nya na kinukulit ang professor. Simula kasi ng makita nya ito sa university ay nagkagusto na agad sya rito. Hindi nya maintindihan ang kanya sarili. Bakit sa kagaya ni Dan sya nagkagusto. Seryuso ito'ng tao, mainitin ang ulo at higit sa lahat walang pakialam sakanya at sa nararamdaman nya.

Isa pa, BABAE

Siguro gano'n talaga, walang pinipili ang pagmamahal. Pag tinamaan ka, tinamaan ka. Regardles kung kauri mo o hindi mo kaedad.

Halos walong taon din kasi ang agwat nila sa isa't-isa. Kaederan ito ng nakakatanda nya kapatid.

Ngunit kahit gano'n pa man. Wala sya pakialam sa age gap nila o kung pareho silang babae. Ang alam nya lang, mahal nya si Dan. At gagawin nya ang lahat para mapaibig ito.

Business Management ang kinukuhang kurso ni Yana. Nasa ikatatlong taon na ito sa kolehiyo. Miyembro din sya ng Varsity ng Volley Ball Team.

Samantalang, Accounting naman ang itinuturo ni Dan sa Unibersidad. Isa rin sya freelance financial advisor at business woman.

"Ang grumpy mo nanaman. Para ka nanaman matandang nagmemenaupause. " Asar ni Yana rito. Agad na napalingon si Dan sa dalaga. Masama na agad ang timpla.

"Ano'ng sinabi mo ?" Sa lahat ng ayaw nya ang inaasar sya ni Yana ng matanda. Hindi nya iyon ikinatutuwa.

Ngumiti ng pagkalawak-lawak si Yana. Nang-aasar. "Wala "po" ako sinabi professor. "

"Anyway" umupo ito ng maayos. "Pwedi ko ba malaman kung ano ang nangyari kanina ? Bakit ka sinuntok ni Jayden. "

Napabuntong hininga si Dan. Ang totoo ay wala sya balak na ikwento ang naging usapan nila ni Jayden. Hindi mahilig magkwento si Dan sa personal na buhay. Madalas nonchalant ito. "eh g*g* yung kapatid mo. " sabay tingin kay Yana. "Saka isa pa, bakit hindi mo sinabing may kapatid ka pala. "

Tumaas ang kaliwang kilay ni Yana. "Hindi ka naman nagtanong. Diba sabi mo, hindi ka interesado sa buhay ko. ? Tapos tatanungin mo ako ng ganyan. " Pagtataray ni Yana. "Kung alam ko lang na interesado ka makilala sila, naipakilala sana kita sa buong angkan ko. "

Napaarko ang kilay ni Dan. "At sino naman nagsabi na gusto ko makilala ang angkan mo. ? Hmm ?"

Nakangiting inilapit ni Yana ang mukha sa professor dahilan para mapaatras si Dan. "Dahil sila ang magiging future in-laws mo. " aniya sabay ngiti ng matamis.

Pinitik ni Dan ang noo nito.

"Aray !" Nailayo nito ang mukha sa professor at hinimas ang noo. "Ang sakit ha. "

"Kung ano-anong kabulastugan nanaman yan sinasabi mo. " tatayo na dapat si Dan ngunit hinigit sya nito paupo. Paglingon nya rito ay halos ilang inches nalang ang lapit ng mukha nila sa isa't isa.

SHE HAPPENEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon