CHAPTER 10

12 0 0
                                    

Matindi ang naging buhos ng ulan na nagkawsa ng matinding trafic sa kalsada.

"Gusto mo ba magpatila muna tayo ng ulan ?" Tanong ni Rose Anne kay Mae. Nasa loob sila ng sasakyan at si Rose Anne ang nagmamaneho. Nastuck na sila sa trafic. "Magkape na muna tayo. Gusto mo ba ?" Nag over time si Mae kung kaya late na rin ito nakauwi. Eksakto naman around the area lang si Rose Anne kung kaya dinaanan nya na ang kaibigan.

Pabor naman ito kay Mae kasi mahirap magcommute lalo na't maulan.

"Pwedi naman, kesa mastuck tayo sa trafic. " Tugon ni Mae.

"Sige. May malapit dito na coffee shop. Masarap ang strawberry cake nila doon. "

Napatango naman si Mae bilang pag sang ayon. "Sige. Magtake out na rin tayo, baka hindi pa kumakain si Jayden."

"Jayden nanaman ? " alma ni Rose Anne. "Alam mo nagseselos na ako sa taong iyon. Ako ito'ng kasama mo pero sya pa rin bukambibig mo. "

Nginitian lang sya ni Mae. Napabuntong hininga naman si Rose Anne. "Mahal mo talaga, no ?" Tumingin si Mae sa kaibigan saka tumango. Muling nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Rose Anne. "Kelan mo balak sabihin sakanya ? O may balak ka ba'ng sabihin sakanya ?"

Hindi nakaimik si Mae. Nagbaba ito ng tingin sa mga kamay nya nakapatong sa mga hita nito. "Hindi ko alam. Natatakot ako."

Nilingon sya saglit ni Rose Anne. Ramdam ni Rose Anne na nahihirapan talaga si Mae sa sitwasyon nya ngayon. "Mahal ka pa rin nya. Nakikita ko. Kung ilalaban mo yan nararamdaman mo kailangan mo maging handa. Hindi magiging madali. " Hindi umimik si Mae. "Pero nandito ako. Hindi kita iiwan. Susuportahan kita sa magiging desisyon mo. Basta ipangako mo saakin.... Iingatan mo ang sarili mo. " Napatingin si Mae sa kaibigan kaya nilingon din sya ni Rose Anne. "Susubukan ko rin na hindi na sya sungitan. " aniya at ngumiti ng bahagya.

"Thank you. " Halos maiyak si Mae dahil ramdam nya ang sinseridad ng kaibigan. Noon pa man ay laging nasa tabi nya na ito. Kaya sobrang thankful sya na may isang Rose Anne sa buhay nya.

Tinanguan nalang sya ng kaibigan at ginulo ang buhok nito. Hindi na nila pinag usapan si Jayden. Nagfocus sa pagmamaneho si Rose Anne. Tinahak nila ang daan patungong Amorè Cafè.

"Andito na tayo. " Ani Rose Anne matapos maipark ang sasakyan sa tapat ng coffee shop.

Napatingin naman sa paligid si Mae. First time nya kasi makapunta sa lugar na ito.

"Tara wifey. " Pag aya ni Rose Anne sa kaibigan. May hawak na ito payong. "Ah, wait. Isa lang kasi ang payong, eh. Baba lang ako tapos iikot lang ako para sukob tayo dalawa. "

"Tara na." Napatingin si Mae kay Rose Anne. Nakaikot na pala ito at nabuksan na ang pinto ng sasakyan. Hindi manlang nya namalayan.

"Hmm." Tipid ito ngumiti saka bumaba ng sasakyan. Magkasukob silang lumakad patungong coffee shop.

"Here." Inabutan ni Rose Anne ng panyo si Mae para punasan ang braso nito nabasa ng ulan.

"Thanks hubby. "

"Welcome wifey."  They both giggled.  "Okay ka na ?"

"Yeah, tara. " aniya sabay hila ng pinto. Nagkawsa iyon ng tunog dahil sa nakasabit sa pinto na kung ano'ng bling bling.

Nang marinig ni Yana ang tunog na iyon ay agad ito napapihit paharap sa pinto. Indikasyon kasi iyon na may bagong customer na dumating na kailangan nya batiin.

"Good Evening. Welcome to~~~" Natigilan ito at hindi na natapos ang sasabihin ng makilala ang bagong dating.

Parang nag slow-mo sa paningin ni Yana ang paglalakad ng bagong dating na customer. Partikular na sa maliit na babae na kung maglakad ay akala mo modelo.

SHE HAPPENEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon