Paano mo malalaman pag may gusto ka sa isang tao ?
Ito ba yung, tingin ka ng tingin sakanya ?
Yung tipong mawala lang saglit sa paningin mo hindi ka na mapakali.
O di kaya,
Kapag tumingin sya sa mga mata mo pakiramdam mo tumitigil ang mundo.
Yung...
Nagising ako na wala na sa tabi ko si Yana. Dahan-dahan ako napabangon. Napahimas ako sa balikat ko dahil nanakit ito. Magdamag ba naman ginawang unan ng babaeng iyon ang braso ko.
Pagkabangon ko dumiretso ako sa banyo. Naghilamos at nag ayos ng sarili bago ako lumabas ng silid. Inaasahan ko makikita ko sya sa kitchen o sala ngunit wala sya roon.
Ngunit naagaw ang atensyon ko ng isang note na nakadikit sa pantakip sa pagkain. Kinuha ko iyon at binasa.
Dear Dan,
Ipinagluto kita ng pagkain bago ako umalis. Pasensya ka na kung hindi na ako nakapagpaalam sa'yo. Kailangan ko ng umuwi kasi hinahanap na ako ni ate angel. Hindi na kita ginising dahil gusto ko magpahinga ka.
Huwag ka muna pumasok sa school. Magpagaling ka muna. Kahit mamimiss kita dahil maghapon kita hindi makikita ay titiisin ko nalang. Ang importante saakin ngayon ay gumaling ka.
Kainin mo yung mga niluto ko. Pinagluto na rin kita ng tanghalian hanggang hapunan. Nasa ref, initin mo nalang mamaya. Baka kasi cup noodles nanaman ang kainin mo. Hindi healthy iyon.
Pagkatapos mo kumain, wag mo kalimutan uminom ng gamot at vitamins.
Pagaling ka.
Love, Yana
Binuksan ko ang natatakpan na pagkain sa mesa.
Fried rice, egg, bacon at hot dog ang niluto nya. Wala sa sariling napangiti ako ng makita ang itlog na nakangiti saakin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Napailing nalang ako at tinungo ang ref upang kumuha ng tubig. Nauhaw ako bigla eh. Dapat kagabi pa ako iinom. Nakalimutan ko na ng dahil sakanya.
Napansin ko'ng malinis ang kitchen ko. Walang hugasin sa kitchen sink. Nakaayos ang lahat ng utensils.
"Ginagalingan nya, ah. Gusto nya yata talagang maging misis ko." Napangisi ako.
Binalingan ko ang refrigerator. Pagkabukas ko no'n ay bumungad saakin ang mga nakapatong na tupperware. Ito yata ang sinasabi nya niluto nya.
May note nanaman na nakalagay.
'Kainin mo ito'ng gulay para mabilis ka lumakas.'
Tinignan ko isa-isa. Puro nga gulay.
"Hindi mo ba alam na hindi ako masyado kumakain ng gulay. Hays !"
Ibinalik ko ulit ang mga tupperware at kumuha na ng tubig na maiinom.
Nagtimpla na rin ako ng kape, dinala ko ito sa dining table at nagsimulang kumain.
"Hmm.." ganado ako sa pag nguya. Prito lang naman ang mga ito pero bakit pakiramdam ko ang sarap sa panlasa.
Napakibit nalang ako ng balikat at nagpatuloy sa pagkain.
Hindi ko inakala na mauubos ko ang hinanda nya. Ang totoo ay hindi ako mahilig kumain sa umaga. Kape lang ay okay na ako.