CHAPTER 8

11 0 0
                                    

JAYDEN's POV

"Maraming salamat sa paghatid. " Ani Mae kay Rose Anne.

Naibaba nya na kami dito sa tapat ng apartment namin. Matapos nga makausap ni Mae ang Doctor ay pinayagan na ako nito makalabas.

Hindi ko rin inaasahan na pupunta si Rose Anne. Basta pagbalik ni Mae sa ER kasama nya na ito at nagvolunteer na sya na ang maghatid saamin. May sasakyan pala ang isang ito. 

"Walang ano man. " Tumingin saakin si Rose Anne. "Magpahinga ka at huwag mo pagurin ang sarili mo.  " Nagulat ako dahil sa tinuran nya. Ramdam ko ang sinseridad. Hindi ko inaasahan na sasabihin nya iyon, gayon alam ko mainit ang dugo nya saakin.

"Sige. " Nginitian ko sya ng bahagya. Tumango lang ito tapos binalingan si Mae.

"Mauna na ako. " Lumapit ito kay Mae saka ito niyakap. "Magpahinga ka na rin, hmm ?. " Bakas sa boses nito ang pag aalala para sa kaibigan.

"Sige, ingat ka sa pag uwi. "

Tuluyan na nagpaalam si Rose Anne. Inantay muna namin na makalayo ang sasakyan nya bago kami pumanhik sa unit namin.

"Uhm. Mae, salamat ah. Pasensya na kung naabala ka. " Napayuko ako. Nahihiya ako kasi dahil saakin naabala ko pa sya.

Nasa tapat na kami ngayon ng unit ko.

"Wag mo na isipin iyon. Ang importante okay ka na. " Umangat ako ng tingin at nagkatitigan kami. Ayan nanaman ang abnormal na kabog ng dibdib ko. "Ayos ka na ba ? Gusto mo samahan kita ngayon gabi. ? "

Nagulat ako sa tinuran nya. "Ah.. ano, ayos na ako. Hindi na kailangan. " Nginitian ko sya ng bahagya.

"Sure ka ? Kaya mo na ?"

"Hmm" tumango ako sakanya. Napabuntong hininga naman ito.

"Sige. Pahinga ka na. "

Buti hindi na nagpumilit.

Hinatid ko sya sa tapat ng unit nya. "Pasok ka na. "

Pumuhit ito paharap sa pinto saka hinawakan ang doorknob. Ngunit nanatili ito'ng nakatayo roon habang nakatalikod saakin.

"What's wrong ?" Kunot ang noong tanong ko rito.

Dahan-dahan ito lumingon. Tumingin sya saakin. Nagulat nalang ako ng bigla nya ako niyakap.

Dugdugdugdug~~~~~ pakiramdam ko domoble ang kabog ng puso ko. I heard her sniff.

Umiiyak sya ?

"Wag mo na uulitin iyon. " aniya at mas lalo humigpit ang yakap nya saakin. "Wag mo na ako pinag aalala. "

Napalunok ako, dahan-dahan ko inangat ang kamay ko. Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat at dahan-dahan na hinarap sya saakin.

Umiwas ito ng tingin at mabilis na pinunasan ang pisngi nya may luha. Hinawakan ko ang mukha nya dahilan para magtagpo ang mata namin.

Masakit na makita sya umiiyak ng dahil saakin. "Sorry, kung pinag alala kita." Pinunasan ko gamit ang daliri ko ang pisngi nya. "Wag ka na umiyak. " Tuluyan ko sya niyakap. Niyakap nya naman ako pabalik.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Magiging masaya ba ako dahil ito sya, yakap ko. O, matatakot dahil alam ko sa dulo ng istoryang ito ako ang talo.

Napapikit nalang ako at mas lalo sya niyakap.

'Paano mawawala ang nararamdaman ko para sa'yo, kung ganito ka saakin.'

SHE HAPPENEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon