CHAPTER 18

12 0 0
                                    

YANA's POV

Napainat ako matapos ko masagutan ang lahat ng pinagagawa nya saakin. Tinignan ko sya. Nakaupo ito sa couch, magkakrus ang legs habang nagbabasa ng libro.

Ang cool nya tignan

Naipatong ko ang siko ko sa center table at ipinatong ko ang kamay ko sa baba ko at napatitig sakanya. Wala sa sariling napangiti ako.

Kahit nakaupo lang sya at walang ginagawa, nakakaakit sya tignan.

Ibinaba nito ang librong binabasa at tumingin saakin. Awtomatikong nawala naman ang ngiti ko.

"Ano ?" Cold nito'ng tanong.

"Tapos na ako. " Ipinakita ko sakanya ang mga sinagutan ko. Tumayo ako sa pagkakaupo at pasalampak na naupo sa tabi nya. Gulat naman ito napatingin saakin. "Check mo na. " Nginitian ko sya.

Bumuntong hininga ito sabay layo saakin. Pagkatapos kinuha nya saakin ang papel. Tinignan nya lang saglit tapos inipit nya na sa portfolio.

"Hindi mo manlang ichi-check ?"

"Sa bahay ko na gagawin." Aniya. Saka nagligpit ng gamit. "Lumabas ka na at tumulong sa cafè." Tumingin ito sakanya relos. "May dalawang oras ka pa iduduty."

Napanguso naman ako. "Akala ko ba hindi ako magduduty ngayon ? "

"Wala ako'ng sinabing gano'n. " Tumayo na ito. "Tara na."

Wala ako nagawa kundi ang sumunod nalang. Nauna sya maglakad palabas, sumunod ako.

"Uuwi ka na ba ?" Tanong ko ng makalabas kami ng office nya.

"Hmm." Tipid nito'ng tugon. Tapos bumaba ang tingin nito sa pasa ko sa braso. "Lagyan mo ng ointment yan pagkauwi mo. " Nakagat ko lang ang pang ibabang labi ko at nag iwas rito ng tingin. " sa susunod, huwag ka sugod ng sugod. Para hindi ka nasasaktan."

Tinignan ko sya ng seryuso. "Ayan talaga ang sasabihin mo ? Hindi ka manlang magsosorry ? Hindi ka manlang magpapaliwanag ?"

"Nagsorry na ako sa nagawa ko sa braso mo. "

"Yung babae. Sino yun ? "

Saglit ito natahimik. Tapos bumuntong hininga. "Wala ako'ng ginagawang masama. "

Pinagtaasan ko sya ng kilay. "Ano'ng tawag mo do'n sa pakikipaghalikan mo sa babaeng haliparot na yun sa bar ? "

"Wala ako'ng dapat ipaliwanag tungkol sa bagay na iyon. Bakit ba laging mo binabalik ang gabing iyon ? Tigilan mo na nga ako. Isa pa, ikakasal ka na di'ba ?"

Nabigla ako sa sinabi nya. Ibig sabihin umabot na sakanya ang chismis. ? Kaya ba sya naglasing ? Dahil affected sya ?

"OMG ! " Napatakip ako ng bibig dahil sa naisip ko.

"Huwag ka mag imagine. Tss !"

Naglakad ng muli ito.

"Teka sandali." Mabilis ako kumilos. Hinabol ko sya at hinawakan sa braso dahilan para muli ito'ng mapatingin saakin. "Magpapaliwanag ako. Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na iyon. Nabigla lang din ako. Hindi ko inakala na si Lester ang lalaking gustong ipakasal saakin. "

Napabuntong hininga ito at tinanggal ang kamay ko'ng nakahawak sakanya.

"Hindi mo kailangan magpaliwanag. Hindi din naman ako interesado. Gawin mo kung ano ang gusto mo. Magpakasal ka sa kung kanino gusto mo. Wala ako'ng pakialam. "

SHE HAPPENEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon