CHAPTER 7

16 0 0
                                    

Ilan sandali na ang lumipas simula ng maipasok si Jayden sa ER. Hindi pa rin lumalabas ang doctor na sumuri rito. Nakatayo lamang si Mae, nakasandal sa pader habang nakapikit ang mga mata. Kapansin-pansin ang pamumutla nito. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Khriz kung kaya't nilapitan nya ang dalaga

"Mae." Nagmulat ng mata si Mae at tumingin kay Khriz. "Ayos ka lang ba ? Namumutla ka. " Nag-aalalang tanong ni Khriz.

Ngumiti ito ng tipid bago sumagot. "Ayos lang ako. "

Napabuntong hininga naman si Khriz. Batid nya hindi okay ang dalaga. Nagsisinungaling ito upang hindi sya mag-alala. "Halika. " Inakay nya si Mae patungo sa upuan na mahaba. "Upo ka muna rito. Ikukuha kita ng maiinom. " Matapos nya maiupo si Mae ay tumayo si Khriz at nagmadaling maghanap ng pwedi maibigay na inumin kay Mae.

Sa katabi ng hospital eksaktong may convenience store. Umuulan pa rin sa labas kaya't patakbo sya pumunta roon. Kumuha sya ng tubig at sandwich na pwedi makain ni Mae. Pagkatapos nya bayaran ang mga iyon ay nagmadali ulit sya bumalik ng hospital.

Naabutan nya si Mae na nakaupo pa rin sa labas ng ER. Nakayuko ito at nakatingin sa mga kamay nya nakapatong sa hita nya.

Naupo sa tabi nya si Khriz. "May nakita ako'ng convenience store sa tabi ng hospital. Naisip ko'ng baka umagahin tayo rito. Kaya.. " binuksan ni Khriz ang sandwich na nabili. Pinagmasdan sya ni Mae habang ginagawa nya iyon. Hindi nya man magawang ngumiti pero natutuwa sya dahil sa kabila ng pagiging loko ni Khriz, hindi nya akalain na maalaga ito at maalalahanin. Ngayon nya lang nakita ang ganoong side ni khriz. Madalas kasi nakikita nya ito sa opisina na nakabungisngis at parang walang pakialam sa iba.

Nag angat ng tingin si Khriz, ngumiti ng bahagya kay Mae saka inabot ang sandwich na bukas na. "Heto, kumain ka muna."

"Salamat. " Malugod na tinanggap iyon ni Mae. Nag iwas sya ng tingin kay Khriz at kinain ang pagkain na binigay nito.

"Narito rin ang tubig. " Inilapag ni Khriz ang plastic sa gitna nila. Tumango naman rito si Mae.

"Khriz, salamat sa pagsama mo saakin rito. " Sinserong saad ni Mae. "Kung nais mo ng umuwi. Ayos lang, ako nalang ang magbabantay kay Jayden. Para makapagpahinga ka na rin. "

"Ano ka ba, wag mo ako isipin. Sasamahan kita rito. Isa pa, wala naman ako gagawin sa bahay. Hindi rin ako matatahimik hangga't hindi ko malalaman na okay si Jayden. Kaya, dito lang ako. "

Napabuntong hininga nalang si Mae at napatango. Makulit ito kung kaya't hindi na sya nagtangkang makipagtalo.

Ilang sandali pa ang lumipas, lumabas na ang dictor na sunuri kay Jayden.

Agad na napatayo ang dalawa at lumapit rito. "K-amusta po sya ?" Agad na tanong nya sa doctor patungkol sa kalagayan ni Jayden.

Isinuksok ng doctor ang parehong kamay sa bulsa ng doctor's gown bago sumagot. "Maayos na ang kalagayan nya. Nagpapahinga lang sya ngayon. Mamaya lang magigising na sya. Pero kailangan ko sana makausap ang immediate family member nya. Sino sainyo ang kapamilya nya ?" Tanong ng Doctor.

Hindi naman nakaimik ang dalawa at nagkatinginan lang.

"Ah, ano po kasi Doc. Wala po dito yung pamilya nya. Nasa malayo. Hindi po sila makakapunta. Kami po yung mga kaibigan nya na umaasikaso sakanya. " Si Khriz ang sumagot. "Bakit po ? May problema po ba sa pasyente.?"

Hindi muna agad sumagot ang Doctor.

"Ayon sa medical report nya, naengaged pala sya sa isang car accident 5 years ago and she's suffering from amnesia. "

SHE HAPPENEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon