KHRIZ's POV
"Alam mo, kasalanan mo 'to eh."
"ha?! kasalanan ko ?" Turo ko sa sarili ko. "Seryuso ka ? Eh, ikaw nga ito'ng nagsimula ng lahat."
"At saakin mo talaga isisisi ang nangyari ? Kung hindi na sana kayo sumama hindi magkakagulo ng ganito. Tuloy, mukhang galit saakin ang kaibigan ko. "
"Kung sana pinigilan mo ang matabil mo'ng bibig. Hindi sana aabot sa ganito."
Nagtatalo kami ng kaibigan ni Mae dito sa loob ng resto, ilang sandali na ang lumipas ng magwalk out ang dalawa at naiwan ako dito sa kaibigan nya gawa yata sa mega phone ang bibig.
"Argh! Ewan ko sa'yo. !" Tumayo ito at naglakad palabas.
"Huy! Sandali, saan ka pupunta. ?!" Dali-dali rin ako tumayo at hinabol ko ang matabil na babae. "Uyy!" Hinawakan ko ang braso niya at hinigit ito dahilan para umikot ito at mapaharap saakin. Nasa labas na kami ng resto ng maabutan ko sya.
Pakiramdam ko nag slow mo ang paligid pagkaikot nya at napatulala nalang ako ng mapatingin sakanya.
Totoo, maganda sya. Matangkad at mukhang banyaga ang itsura.
"Aist ! ano ba ?! "Napakurap ako ng bigla nya ako singhalan at hawiin ang kamay ko'ng nakahawak sa braso nya. "Don't touch me, you freak !"
Nagpanting ang tenga ko ng tawagin nya ako'ng freak. "Ano'ng tinawag mo saakin?" Humakbang ako palapit, dahilan para maglapit ang mga katawan namin. Tinignan ko ito ng diretso sa mata. Mas matangkad ito ng ilang inches ngunit wala ako pakialam.
"a-nong ginagawa mo ?" Kita ko ang paglunok nito kaya napasmirk ako. Ibig sabihin lang non hindi sya komportable sa paglalapit namin. "Lumayo ka, kundi sisipain kita." Nagbabanta ang tingin nito'ng ipinukol saakin.
"Sige subukan mo." Nanghahamon ko naman tugon at mas lalo ko pa nilapit ang mukha ko sakanya. Naging sunod-sunod ang paglunok nito at saka napaatras.
"Sinabi ng lumayo ka !" Sinubukan nya ako itulak ngunit mabilis ko'ng nahuli ang kamay nya. Nanlalaki ang matang napatingin sya saakin. "Sinabi ng wag mo ako'ng hawakan. " Nagpumiglas ito ngunit hindi ko pa rin binitawan ang kamay nya. Mas lalo pa ako'ng napangisi ng makita ang asar nya itsura.
"Pag hindi ka tumigil, hahalikan kita. " saad ko na mas lalong ikinalaki ng mata nito at napaawang pa ang labi.
"M-worago ?! [What]" Gulat na gulat ang reaksyon nito. Nangunot naman ang noo ko dahil sa salitang sinabi nya. Hindi ko naintindihan. "Ya gaesaeggi ! Jugeullae ?!"
Translation: You jerk, do you wanna die ?
"Ano ?!" Kuno't noo ko'ng tanong.
"Aish !" Nagawa nya ako'ng itulak at matalim ang tingin ang ipinukol nya saakin. "GET LOST, YOU JERK ! I DON'T WANT TO SEE YOUR UGLY FACE EVER AGAIN. !" Dinuro nya ako at wala ako'ng nagawa kundi ang mapaawang ang bibig dahil sa pagkabigla. Para sya nagtransform sa pagiging dragona. Kulang nalang kainin nya ako ng buo. "O kung hindi naman, much better if you go to hell and stay there !" Matapos nya sabihin iyon ay nilayasan nya ako. Binangga nya pa ako sa balikat.
Napakurap-kurap ako ng ilang beses at hindi makapaniwalang natawa. "Ako ? Ugly ?" Turo ko sa sarili ko at muling natawa ng sarkastiko.
Buong buhay ko, wala pa nang insulto saakin ng ganito. Nakakainit talaga sya ng ulo.
Pinanood ko sya maglakad palayo hanggang sa mawala sya. hanggang sa humalo na sya sa mga tao at mawala sa paningin ko.
Sa sobrang inis ko itinaas ko ang middle finger ko. Kahit alam ko hindi nya naman iyon makikita. "F*ck you ! "
BINABASA MO ANG
SHE HAPPENED
RomancePaano mo malalaman pag may gusto ka sa isang tao ? Ito ba yung, tingin ka ng tingin sakanya ? Yung tipong mawala lang saglit sa paningin mo hindi ka na mapakali. O di kaya, Kapag tumingin sya sa mga mata mo pakiramdam mo tumitigil ang mundo. Yung...