CHAPTER 11

7 0 0
                                    

Pagkababa ni Dan kay Yana sa bahay nito ay mabilis nito'ng pinaharot ang sasakyan paalis.

Hindi nila napag usapan ang nangyari, hanggang sa maihatid sya ni Dan sa bahay. Naging awkward sila sa isa't-isa matapos ang kiss. Basta nalang lumayo si Dan rito at nagfocus sa pagmamaneho. Gano'n din naman si Yana. Nanahihimik nalang ito sa kinauupuan nya dahil hindi nya rin alam kung ano ang sasabihin.

Pumasok sa bahay si Yana at pagkasara nito ng pinto ay basta nalang sya napasandal roon. Ramdam nya pa rin ang lakas ng tibok ng puso nya, kaya naman napahawak sya rito at napakagat sa pang ibabang labi. Pinipigilan nya ang sariling wag mapatili dahil baka magising ang mga kasama nya sa bahay.

"OMG ! Hindi na virgin ang lips ko.. Accckk !" Napahawak ito sa mukha nya nag-iinit. "Sh!t! I feel hot. I need to freshen up. "

Halos patakbo ito umakyat ng hagdan at pumasok sa kwarto nya.

<Fast Forward>

MADALING araw na, ngunit dilat na dilat pa rin ang mata ni Yana. Hindi ito makatulog, bumabalik sa isipan nya ang nangyari kanina.

Pabaling-baling ito sa higaan. Mapapahawak sa labi, Ngingiti at yayakapin ang unan. Pakiramdam ni Yana ay nakalutang pa rin sya sa ulap. Lalo na pag naalala nya kung gaano kalambot ang labi ni Dan. Hindi nya mapigilan kiligin.

Samantala, balot na balot naman si Dan ng kumot. Inaapoy ito ng lagnat at panay ang ubo. Nangangatog ang buo nya katawan. Pabaling-baling rin sya sa higaan.

Hindi na maganda ang pakiramdam nya pagkauwi nya ng bahay. Palihasa'y naulanan ay mabilis ito'ng kinapitan ng sakit.

Kinaumagahan, kahit puyat ay maaga pa rin nagising si Yana. Excited sya pumasok dahil makikita nya nanaman si Dan.

"Good morning ate Angel." Masiglang bati nito sa kasambahay. Nakabihis na rin ito pampasok. Abala sa paghahanda ng almusal si Angel sa lamesa ng bumaba mula sakanya silid ang alaga nya.

"Oh, andyan ka na pala. " Pinagmasdan nito ang dalaga dahil hindi sya sanay na ganito ito kasigla. "Mukhang masaya ka yata ngayon, baby girl. "

Napanguso si Yana. Ayaw nya na tinatawag sya baby girl dahil nagmumukha sya bata. Kinasanayan na rin kasi ito'ng itawag sakanya ng taga alaga. "Ate, hindi na ako baby girl. " Tumungo ito sa ref at kumuha ng tubig. Nagsalin sa baso at uminom.

Muli sya tinignan ni Angel, nagdududa. "Parang may nag iba nga sa'yo. May boyfriend ka na ba ?" Naibuga ni Yana ang iniinom na tubig dahil sa pagkabigla sa tanong ni Angel.

"Ay ano ba yan ! Ikaw talagang bata ka. " reklamo ni Angel at kumuha ito ng basahan upang punasan ang nabasang sahig. Buti nalang at nasa likuran sya, kung hindi ay baka sa mukha nya naibuga ni Yana ang tubig.  "Okay ka lang ?" Baling nito kay Yana. Nag aalala.

"Hmmm" tumango-tango si Yana rito.

"Tignan mo, guilty ka. May boyfriend ka na nga talaga, ano ? " Namewang si Angel sa harapan nito. Yung tipong nakatatanda mo'ng kapatid na handa ka ng sermunan kapag sumagot ka ng 'Oo'.

Malapit ang loob ni Yana sa katulong. Kasi ito lang naman ang palagi nya kasama dito sa bahay simula ng dumating sya rito. Isa pa, mabait ito at inaalagaan sya na parang isang kapamilya. Hindi na rin naman iba ang turing nya rito.

"Wala ate angge. Kung ano-ano nanaman yan iniisip mo. Epekto yan ng panonood mo ng k-drama. " biro nito sa kasambahay. Tapos naglakad pabalik sa dining table at naupo. "Mukhang masarap ang almusal. Longganisa. " ngumiti ng malapad ang dalaga at nagsimulang kumuha ng makakain. Sinadya nya ibahin ang usapan.

SHE HAPPENEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon