CHAPTER 3

17 0 0
                                    

JAYDEN's POV

Present Time

Pasado alas 9 na ako nagising. Sobrang bigat ng katawan ko at ramdam ko ang pananakit nito. Siguro dahil sa natamo ko'ng bugbog kagabi.

Pupungas-pungas ako naglakad palabas ng kwarto. Dumiretso ako lakad patungo sa kusina. Ngunit napatigil ako sa paglalakad ng matanaw ko ang isang pigura ng maliit na babae.

Nakasuot ito ng apron at abala sa pagluluto. Napangiti ako. Sumandal ako sa pader at pinagkrus ang braso at pinagmasdan ko siya.

Sana araw-araw ganito ang makikita ko.

"Oh, gising ka na pala." Natinag ako saaking kinatatayuan ng mapalingon sya saakin.

"Nandito ka pala, hindi mo manlang ako ginising. " Tuluyan ako naglakad palapit rito.

"Tulog mantika ka kasi kanina. Hinayaan nalang kita kasi alam ko puyat ka kagabi. " abala pa rin sya sa pagluluto.

Sumandal ako sa kitchen sink at pinagmasdan sya.

"Pinagluto kita ng sopas, para matanggal yan hang over mo. Malapit na rin ito maluto. "

Hindi ako sumagot. Pinagmasdan ko lang sya habang abala sa niluluto. Isang bagay na gustong-gusto ko'ng ginagawa ng wala sya malay at pakialam. Maya-maya kumuha sya ng sabaw mula sa niluluto at nilagay iyon sa kutsara pagkatapos itinapat nya iyon sa bibig ko.

"Tikman mo nga kung tama na yung timpla. " Dahan-Dahan ko naman nilapit ang mukha ko sa kutsara at tinikman ang sabaw.

Saglit ako natigilan at napatingin sakanya. "Ano ? Maalat ba ? Naparami yata ang nalagay ko'ng asin. "

Umiling ako. "Hindi. Sakto lang. Ganitong timpla ang gusto sa sopas. "

"Totoo ba yan ?"

"Uhmm. " Tumango-Tango ako.

"Oh sya sige. Maghilamos ka na muna do'n at bumalik ka rito para makapag almusal ka na. "

"Hmm. Sige. "

Dali-dali ako pumunta ng banyo, naghilamos at nagtoothbrush. Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay bumalik ako ng dining table. Nakaserve na rin ang pagkain. Nakaupo na rin sya at inaantay nalang ako.

Naupo ako sa tapat nya.

"Kumain ka na. "

Nginitian ko sya at dinampot ang kutsara na nasa gilid ng mangkok at sinimulan tikman ang niluto nya.

"Ang sarap. " Tumantango ko'ng saad.

"Talaga ?" Bakas sa mukha nito ang galak. Tumango ako ulit. "Kung gano'n ubusin mo yan."

"Ha ?" Hindi ko sinasadyang magulat sa tinuran nya. Parang mapapalaban yata ako ngayon sa niluto nya.

"Ubusin mo. " aniya. "Hindi ba sabi mo masarap ?"

"Oo nga, sabi ko nga uubusin ko. " binilisan ko ang pagkain, kahit medyo mainit pa iyon. Matapos ko ubusin ang isang mangkok ay ibinigay ko ito sakanya. "Gusto ko pa. " Nakangiting saad ko.

Ngumiti ito. "Sige. Ikukuha pa kita. " Tumayo ito at wala ako'ng ginawa kundi ang sundan sya ng tingin at mapangiti.

Ilan sandali nya ay bumalik rin sya. "Here." Inilapag nya ang bagong salin na sopas sa harap ko.

"Thank you." Nakangiti ko'ng tugon. Saka sinimulan ulit kumain. "Bakit ayaw mo kumain ?" Tanong ko rito. Pansin ko kasi ako lang ang kumakain.

SHE HAPPENEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon