CHAPTER 1

76 0 0
                                    

Jayden's POV

Bzzzzttt Bzzzzzttt Bzzzzztt.................

Napadukot ako sa bulsa ng pants ko dahil sa vibrate ng phone ko. Indikasyon na tumatawag.

"Hello boy, saan ka na ? " Bungad ni Khriz pagkasagot ko ng phone. Mula sa kabilang linya dinig ko ang maingay na tugtugan.

"Malapit na ako.. " Tugon ko naman habang tumitingin sa labas.

"Gaano ba kalapit yan ? Taena, bilisan mo. "

"Oo. Ito na, pababa na. " Sinilip ko si Manong taxi driver. "Manong, dito nalang po. Patabi nalang. " Agad naman na tinabi ni Manong ang sasakyan. "Sige na, babye." Binabaan ko ng tawag si Khriz saka ko binayaran si Manong at tuluyan lumabas ng taxi.

THE POB BAR

Pagpasok ko ng bar ay sinalubong ako ng maingay, mausok at samu't saring ilaw na nagmumula sa LED light sa gitna ng dance floor.

Madadaanan mo rin sa tabi ang mga couples na naglalampungan. Typical na makikita mo sa isang bar.

Umakyat ako sa second floor kung saan doon ang paboritong lugar na pinipwestuhan namin tuwing nagagawi kami dito. Hindi nga ako nagkamali dahil pagkarating ko do'n naabutan ko sina Khriz at Florence na nakaupo sa trono, nagsisimula ng uminom.

"Uyys ! Andito ka na." Napatayo si Khriz ng makita ako, masaya nya ako'ng niyakap. Si Florence naman ay nakipagfist bomb.

Naupo ako sa tabi ni Florence, bale katapat namin si Khriz.

"Bakit ang tagal mo ?" Tanong ni Khriz saka nya ako inabutan ng isang boteng beer.

"Medyo natrafic lang. "

"Ah maiba ako, ano'ng status nyo ni Ms. HR ?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "Ano'ng status pinagsasabi mo ? Kadarating ko lang tapos babanatan mo ako ng ganyan. Chismosa ka talaga."Natawa si Flo sa tinuran ko.

"Sus! magtigil ka. akala mo hindi ko napapansin na masyado kayo malapit ni Ms. HR."

Mas lalong nangunot ang noo ko sa sinabi nya. "eh ano naman ? magkaibigan kami kaya closed kami sa isa't-isa. Wag mo nga lagyan ng malisya ang pagkakaibigan namin." inirapan ko sya sabay lagok ng alak. ramdam ko ang pagguhit ng alcohol sa lalamunan ko.

"O'cmon Jayden. Don't fool us, Just tell us the truth. Wala naman mawawala sa'yo kung aamin ka gusto mo sya. Walang mali sa nararamdaman mo. "

Napapikit ako't napabuntong hininga. "Guys, wala ako aaminin dahil magkaibigan lang naman talaga kami. "

Umasim ang mukha ni Khriz. "kwento mo yan sa pagong."

Natawa nalang ako sakanya.

"Eh kasi naman, kayo ang chismis sa office. Ang sabi ng mga kaworkmate natin may something sainyo. " ani Florence.

"Hayaan mo sila kung ano'ng gusto nilang isipin. Basta kami ni Mae, wala kami ginagawang masama. saka wag nyo ini'issue yung tao saakin, alam nyo taken na sya."

"Ayon ! kaya naman pala. Pero kung hindi taken, liligawan mo ?" Natigilan ako dahil sa sinabi nya. "Oww ! Natigilana ng loko. hahaha" Nang aasar na ani Khriz.

"g*g*!" ayon nalang nasabi ko habang napigilan matawa din tapos sumeryuso. "alam nyo, may mga babaeng jinojowa at may mga babaeng kinakaibigan lang."

"So, si Mae saan sya do'n ?"

Napasandal ako sa upuan at napacross legs. "Kinakaibigan."

SHE HAPPENEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon