Mae's POV
Malalim na ang gabi, malamig na rin ang simoy ng hangin at nakakabingi ang katahimikan na bumabalot sa kalsada.
Tahimik kami naglalakad ni Dan patungo saaking apartment na tinutuluyan. Hindi ko na nga nais na ihatid nya pa ako ngunit nagpumilit ito. Imbes na gumamit ng sasakyan ay mas pinili namin magcommute. Bumaba kami sa bus station at pinili nalang maglakad pauwi.
Sa lahat ng tao na makikita ko ngayon, hindi ko inaasahan na sya ang makikita.
Ang kababata at ang best friend ko.
Time flew so fast, sa limang taon na lumipas marami na rin ang nagbago sakanya. At aaminin ko, sa nakikita ko sakanya ngayon naging panatag ang puso ko. Maayos sya at successful.
Sapat na saakin na malaman iyon.
"Hindi mo ba talaga alam na kapatid sya ni Jayden ?" Patungkol nya kay Yana.
Umiling ako. "Hindi ko pa nakilala ang buong pamilya nya. Pero nakwento nya saakin na may kapatid at hiwalay ang parents nya. "
Hindi makwento si Jayden ng tungkol sa pamilya kahit noong kami pa. Iyon ang pinakaayaw nya pag usapan. Ang alam ko lang hiwalay ang parents nya. May isa sya kapatid na nasa puder ng mama nya at sa amerika sila nakatira. Lolo nya ang nagpalaki sakanya.
"Eh ikaw ?" Binalingan ko ito. "Mas matagal mo sya kilala kesa saakin. Hindi mo manlang alam na may kapatid sya ?"
Kung hindi nyo naitatanong. Kaya kami nagkakilala ni Jayden dahil sakanya. Matalik silang magkaibigan dati noong High School kami. Ngunit nasira iyon ng isang hindi magandang pangyayari.
"Alam ko. Pero never ko pa naman nakita. Hindi naman kasi iyon umuuwi ng Pilipinas. "
"Ano'ng nangyari at umuwi sya ?"
"Hindi ko alam at hindi ako interesado malaman. Gano'n naman ang mayayaman, kapag nabored sila sa buhay pupunta sa ibang lugar para doon magpalipas ng oras. " Tinignan ko sya and I narrowed my eyes at her. "What ?"
Inirapan ko sya at nagcontinue sa paglalakad. "Hindi naman lahat gano'n. Saka isa pa, hindi mo pa rin sya napapatawad ? "
Hindi ito umimik. Alam ko naman na masyadong masakit para sakanya ang nangyari.
"Sorry. Masyado ako'ng madaldal. Dapat hindi ko na iyon itinanong. " I smiled at her.
Pero sana kahit hindi na bumalik sa dati. Mahanap nila sa puso ng isa't-isa ang kapatawaran. Iyon lang ang gusto ko.
"Pero hindi mo pa sinasabi kung bakit nagtatrabaho si Yana sa cafè mo. "
"It's her choice. Gusto nya kumita ng sarili nya pera. "
"Does her family know na nagwowork sya sa'yo. ?"
"I don't know. "
Napatango-tango ako. "Nakakatuwa naman sya. She's an independent woman. "
"Hmm. " tanging naisagot nito.
Nilingon ko ito. Nakasuksok ang kamay nito sa bulsa ng pants nya. Diretso nakatingin sa daan.
She's still the cool Dan I've known.
Lumipas man ang panahon pero yung mukha nya hindi tumatanda. Pakiramdam ko nga mas lalo sya naging attractive ngayon at mas lalong naging seryuso.
Tumingin sya saakin. "What ?" She raise her eyebrow.
Ngumiti ako at inilihis rito ang paningin. "Wala. Masaya lang ako na nagagawa na ulit natin ito. Akala ko nga hindi na ulit tayo magkikita."
BINABASA MO ANG
SHE HAPPENED
RomansaPaano mo malalaman pag may gusto ka sa isang tao ? Ito ba yung, tingin ka ng tingin sakanya ? Yung tipong mawala lang saglit sa paningin mo hindi ka na mapakali. O di kaya, Kapag tumingin sya sa mga mata mo pakiramdam mo tumitigil ang mundo. Yung...