Prologue

102 24 1
                                    

Hailey's Pov

The sun is so beautiful especially  in the morning, nandito ako ngayon sa balcony, nag kakape habang nanunuod ng sunset.  I was about to stand up nang makaramdam ako ng hilo, parang bumabalik nanaman yung lagnat ko at muscle pain.

"Hailey! Here's your breakfast... Oh!" Nagulat si Yaya Beth ng makita ako kaya nag taka ako.

"What's wrong?" I asked.

"Namumula ang mukha mo nak, anong nangyari sayo?" Nag aalalang tanong nya, nangunot ang noo ko kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang mukha ko. Oo nga! Namumula ang mag kabilang pisnge ko pati na din ang bridge ng ilong ko.

"Hindi ko po alam, baka sa araw lang, papasok na lang po ako sa loob." Ani ko kaya tumango sya, tinulungan naman nya akong ilipat ang breakfast ko sa loob.

May pasok pa ako kaya nag madali akong kumilos, pero nakakaramdam talaga ako ng hilo kaya napag desisyunan ko na huwag na lang muna pumasok.

"Ayos ka lang ba anak? Anong masakit?" Tanong ni Yaya Beth, buti na lang at pinayagan ako ni Mama na isama si Yaya Beth sa dorm ko.

"Parang nilalagnat nanaman po ako Yaya Beth, tsaka nakakaramdam ako ng muscle pain." Ani ko.

"Mabuti pa nga na huwag ka na lang muna pumasok." Ani nito, tumango ako at tinulog na lang, nag babakasakaling mawala din pag gising ko.

Akala ko kapag nakapag- pahinga na ako ng maayos ay mawawala na, pero tumagal ang isang linggo na ganito ang kundisyin ko, nanghihina na din ako dahil hindi ako makakain ng maayos, kaya napag desisyunan kong umuwi ng probinsya kasama si Yaya Beth para matulungan ako nila Mama. Kaagad naman nila akong sinugod sa hospital, apat na araw akong naka confine at nagamot naman, mabuti na lang at kaagad naagapan.

"Hindi ba't sinabi ko sayo na huwag puro fast food ang kainin mo." Pangaral ni Mama.

"Pinayagan ko na ngang isama mo si Yaya Beth para naman kumain ka ng mga gulay- gulay, tigas kasi ng ulo mo kaya nag kakasakit ka sa Maynila." Ani nito, hindi na lang ako umimik, hindi naman totoo yung sinasabi nya na puro fast food ang kinakain ko, palagi akong pinagluluto ni Yaya Beth ng mga masusustansyang pagkain.

"Tsaka tignan mo yang mukha mo, para ka ng tocino sa sobrang pula." Pang- aasar ni Papa, kunwari natawa na lang ako.

Babalik na sana ako ng Maynila, kaso sobrang baba ng platelet ko at white blood cell kaya nag taka na sila Mama, dahil kahit anong kainin ko na pangpataas ay lalo itong bumababa, kaya napag desisyunan namin na pumunta na sa Hematologist.

Ang dami ko ng absent sa school, baka pag balik ko i-drop na ako ng mga professor, hindi pa naman sila natangap ng kahit anong excuse, ang hihirap pakiusapan kahit may sakit ka.

"Hailey Bernice!" Tawag ng nurse.

Pag pasok namin sa loob ng clinic ni Doc ay kaagad akong ngumiti, pero ang nauna nyang tinitigan ay ang mukha ko na namumula pa. Tinanong nya kaagad ako kung anong mga sumasakit saakin kaya sinabi ko at nag kwento ako.

"Kailangan natin mag pa- test para masiguro, sa tingin ko kasi ay may lupus ka." Ani nito habang nakatitig sa mukha ko, saglit akong natahimik dahil alam ko ang sakit na lupus, hindi ito madali, and no cure.

"Lupus?" Tanong ni Mama. "Ano yun, Doc?" Dagdag nya pa.

"A disease that occurs when your body's immune system attacks your own tissues and organs, traydor po ang madalas naming tawag sa lupus." Ani ni Doc, marami pa syang pinaliwanag kay Mama pero hindi ko na pinakingan, hindi ako makapaniwala.

Kaagad kaming nag pa- test ng ANA, nang makuha namin ang result ay nag positive ako kaya kinabahan ako ng sobra, marami pang test ang gagawin saakin bukas kaya may posible pa na wala akong lupus.

Pero pag dating ng kinabukasan hangang sa mag isang linggo kaming nag papatest, nag po-positive ako. I am Hailey Bernice and i just found out that i have freaking lupus!

Still In The Mountain [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon