Chapter 9

68 24 17
                                    

Hailey's Pov

Sabado ngayon at nanunuod lang ako ng movie, wala naman akong mga activities dahil kakatapos lang ng midterms namin.

"Anak, anong gusto mong ulam?" Tanong ni Yaya Beth.

"Si Yaya kung makatanong parang pwede saakin lahat ha!" Ani ko kaya natawa sya.

"Oo nga pala, bulanglang na lang ang lulutuin ko. Hayaan mo't sasarapan ko at sasabayan kita kumain." Ani nya kaya tumango ako, sakto naman at lumabas ng kwarto si Mama.

"Ma, gusto mo po ba sumabay saamin kumain?" Tanong ko, matagal- tagal na din kasi ng huli nya akong sinabayan sa hapag kainan, hindi na din kami nakakapag- kwentuhan ng maayos.

"Hindi na, aalis ako." Ani nya at umalis na.

"Pag pasensyahan mo na lang ang Mama mo." Sabi ni Yaya Beth, umupo sya sa tabi ko kaya ngumiti na lang ako at tumango. Actually sanay naman na ako kay Mama, pero umaasa pa rin ako na mapansin at maintindihan nya ako kahit isang araw lang.

Kinabukasan, nag simba ulit kami ni Lolo, palagi nya kasi akong inaaya mag simba, hindi daw sya nawawalan ng pag asa na gumaling ako kahit imposible.

Matapos namin mag simba, sa bahay nila Lolo muna ako tumambay, wala din naman kasi akong ka- kwentuhan sa bahay, wala kasi si Kuya wala akong ka- bwesitan.

"Apo, nasa labas si Pax hinahanap ka." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Lolo.

"Po?" Gulat kong tanong.

"Close pala talaga kayo ng batang 'yun, mabait naman si Pax. May pupuntahan ba kayo?" Tanong nito.

"Wala naman po kaming napag usapan." Ani ko, lumabas na ako para makita si Pax, nakatayo sya sa harapan ng gate namin kaya pinag buksan ko na sya bago pa sya maging daing sa labas.

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong.

"Ayaw mo ba akong makita?" Tanong nito kaya inismiran ko sya.

"Ano ngang sadya mo?" Tanong ko sa kanya.

"Magandang hapon ho! May dala akong buko pie pinapabigay ni Mama." Bati nito kay Lolo, akala ko naman ako talaga ang sinadya nya.

"Ah ganon ba? Sige pumasok na kayong dalawa dito." Binelatan naman ako ni Pax, at talagang nauna pa syang pumasok. Parang ako tuloy ang bisita sa bahay ni Lolo.

"Nag- abala pa talaga ang Mama mo, saan sya galing at may buko pie syang dala?" Tanong ni Lolo habang nag gagayat ng buko pie.

"Galing ho kasi syang Maynila, may inaasikaso lang sa asawa nya." Kwento ni Pax.

"Nag uusap pa pala sila ng gagong yun, pagkatapos nyang iwanan ang Mama mo." Pailing- iling na saad ni Lolo, close pala talaga sya sa family ni Pax.

"Kailangan ho, napag- uusapan na kasi yung sa mga mana, nagkaroon daw kasi ng sakit yung asawa nya." Kwento ulit ni Pax, nakinig lang naman ako dahil curious din ako sa buhay ni Pax.

"Kinakarma na siguro yun." Sabi ni Lolo, natawa pa sya kaya natawa din si Pax.

"Pero kahit ganon, Tatay mo pa rin yun Pax, kamustahin mo." Ani ni Lolo.

"Baka ho tabuyin lang ako, o baka naman mamatay sya ng maaga kapag nakita ako." Ani nito kaya muling natawa si Lolo.

"Loko ka talagang bata ka. Ano naman ang manang makukuha mo sa kanya?" Tanong ni Lolo.

"Hindi ko ho alam, tsaka wala naman akong hinahabol sa kanya." Ani ni Pax.

"Tsaka magagalit ang mga kapatid ko kapag nakipag- agawan pa ako sa yaman ng asawa ni Mama." Ani nito kaya napangiwi ako.

Still In The Mountain [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon