Chapter 23

68 21 4
                                    

Hailey's Pov

Nautusan ako ni Sabel na bumili ng isda at gulay sa palengke, ako lang din naman ang pamilyar sa lugar kaya ako na ang pinakiusapan nila, hapon na kaya hindi na ako nag abalang mag dala ng payong, naka casual lang din ako at hindi na nag balot.

Maraming nabago sa palengke, pero maliit lang naman ito kaya hindi ako maliligaw.

"Nag dedeliver ho ba kayo?" Tanong ko sa tindero, siguro ay kasing edad ko lang sya.

"Oo, saan ba ms. ganda?" Malanding tanong nito, napangiwi naman ang si itsura nya.

"Sa Paxon." Sagot ko.

"Ahh... yung bagong tayong hotel, doon ka pala nag tratrabaho?" Pakikipag kwentuhan nito, wala akong interes kaya tumango lang ako.

"Sige, ihahatid ko ngayon na, sabay ka saakin?" Tanong nito.

Umiling ako. "Hindi na, kaya ko mag lakad." Sagot ko, he chuckled.

"Hindi ko kasi alam ang papunta doon, kung ituturo mo mas magiging madali." Ani nito, pumayag na ako dahil para naman ito sa salo- salo mamaya, bukas na kasi ang opening.

Sumakay ako sa tricycle nya, nasa likod nya ako dahil nasa loob lahat ng pinamili ko, hindi pa namin nakakalahati ang daan ay naramdaman ko na ang kamay nya sa hita ko, tinabig ko ito at hinayaan. Pero inulit nya ulit kaya tinabig ko ulit, umisod ako papalayo sa kanya hangang sa makarating kami sa Paxon. Bumaba ako pero hinawakan nya ang pulsuhan ko at hinigit palapit sa kanya.

"Anong pangalan mo? Parang ngayon lang kita nakita?" Ani nito.

"M-Malamang, ngayon lang naman ulit ako nakabalik dito." I tried my best not to tremble, but my insides starting to panick.

Nilapit nito ang mukha nya sa leeg ko kaya mabilis ko syang tinulak. "Ano ba!"

Ngumisi lang ito at hinawakan ang pulsuhan ko, sobrang higpit ng kapit nya at hindi ako makalaban dahil masyado syang malakas, tumulo ang luha ko ng mapansing walang tao sa paligid. "Bitiwan mo ako, manyak!" Lakas loob na sigaw ko.

"Isa lang naman eh." Bumuhos ang luha ko ng hubarin nya ang pang itaas nya, sinubukan kong tumakbo pero nahawakan nya ako sa bewang, nagawa nya akong ihiga sa damuhan, panay ang iyak ko at pag mamakaawa.

"Wag please, itigil mo 'to." Pag mamakaawa ko, nakaramdam ako ng matinding takot dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko sya kayang palagan.

Panay lang ang iyak ko. Hangang sa nakarinig ang ng isang malakas na busina, harurot ng BMW at nakakasilaw na ilaw. Kaagad umalis ang lalaki sa pagkakapatong saakin, akap ko ang sarili ko na napatingin kay Eithan na bumaba sa sasakyan nya. Nag aapoy sa galit ang mga mata nya, lumapit ito sa lalaki at sinutok sa mukha, paulit- ulit nya itong tinadyakan sa tiyan kaya tumayo na ako pata pigilan sya.

"Eithan tama na!" Pakiusap ko, dumudugo na ang labi nito kaya natakot ako dahil baka makapatay sya ng tao.

"Tama na, please! Mapapatay mo sya!" Naiiyak kong sigaw.

"I don't fucking care, Hailey!" Natigilan ako ng sigawan nya ako, galit na galit sya, hindi ko sya napigilan ng hilahin nya patayo ang lalaki at kwinelyuhan, hindi na ito makasalita sa sobrang pambubugbog ni Eithan.

"I will send you behind bars, fucking asshole!" Mas lalo akong naiyak ng suntukin nya ulit ito sa mukha kaya niyakap ko sya patalikod, I plead him to stop because i don't want him to commit a crime just because of this.

"Eithan please, calm down." Pakiusap ko, hinarap ako nito at niyakap.

"Ayos ka lang ba? Anong ginawa nya sayo? May masakit ba sayo?" Sunod- sunod na tanong nito, naagaw ng mata ko ang pag lapit ni Sabel at Jucio, parehas silang gulat.

Still In The Mountain [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon