Hailey's Pov
"Dahan- dahan ka lang." Ani ni Safira habang inaalalayan ako mag lakad, dalawang linggo na ang nakalipas pero naka- recover na ako. Hindi pa ako masyadong nakakapag lakad ng maayos pero kaya na!
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Safira, hindi naman ako kaagad nakasagot dahil dumating sila Sydney.
"Hi! May dala akong native na manok darling!" Ani ni Sydney.
"Anong gagawin ko dyan?" Takang tanong ko, buhat buhat nya ito at hinihimas nya pa.
"Gagawin nating tinola." Ani ni Aera kaya natawa ako.
"Wait, nasaan si Esra?" Tanong ko.
"Inactive, pero baka sumunod na lang yun, Love." Ani ni Pax kaya tumango ako. Kinuha ko ang cellphone ko para i-text si Esra, nag aalala na din ako sa kanya dahil parang hindi na sya masyadong nag paparamdam.
"Safira, pahiram ng kusina ha!" Ani ni Aera, tumango naman si Safira at sinamahan sila sa kusina. Umupo naman sa tabi ko si Pax, pero kaagad itong napalayo ng tumikhim si Kuya sabay upo sa gitna namin.
"Ayos ka na ba?" Tanong ni Kuya, sumama ang timpla ng mukha ko dahil sobrang epal nya!
"Kuya naman! Hangang kailan ka ba dito? Hindi ka na ba babalik ng Cebu?" Tanong ko, sinimangutan naman ako nito.
"Pax, kunin mo nga yung sapatos ko sa labas!" Utos nito, akmang tatayo na si Pax ng hilahin ko ang damit nito kaya napa- upo ulit sya.
"Katulong mo ba si Pax!? Bakit hindi si Yaya Beth utusan mo!" Bwesit na singhal ko dito.
"Doon ka nga!" Sigaw ko sabay tulak sa kanya "Istorbo! Walang love life! Walanv nag papasaya ng buhay!" Bwesit kong sigaw.
"Sinasabi mo dyan, baka ngumanga ka kapag nakita mo girlfriend ko." Ani nito, nanlaki naman ang mata ko kaya natigilan sya.
"May girlfriend ka na?" Mapang- asar na tanong ko.
"Yaya si Hailey nahimatay!" Sigaw ni Kuya kaya nanlaki ang mata ko, tumakbo ito palabas ng bahay.
"Siraulo!" Bulyaw ko, bigla naman dumating sila Safira na may pag aalala sa mukha.
"Gosh!" Bulyaw ni Aera ng makitang naka- mulat pa ako.
Matapos mag luto nila Sydney, tumungo na kami sa kusina para sabay- sabay kumain, wala si Tita Alisson at Papa ngayon dahil may bibilhin daw sila para sa pa- welcome party sa bago naming baby.
"Hindi pa ba nag rereply si Esra?" Tanong ko, nagkatinginan naman sila.
"Inactive sya hangang ngayon, baka bukas dalawin ka na." Ani ni Aera kaya tumango ako at tahimik na kumain. Matapos namin kumain, umuwi na din naman sila kaagad, hindi pa ako makapag lakad ng maayos kaya dinadalaw lang nila ako dito.
Makalipas ang isang linggo, nakakalad na ako mag isa, pero hangang ngayon, hindi pa rin nag rereply si Esra, kaya nag alala na ako sa kanya.
"Hailey, naka- ready ka na ba?" Tanong ni Tita Alisson kaya nangunot ang noo ko.
"Pasaan po tayo?" Takang tanong ko, nangunot naman ang noo ni Tita Alisson habang hawak hawak ang tiyan nya.
"Nakalimutan mo na ba? Check up mo ngayon." Paalala ni Safira, bihis na bihis din sya kaya napangiwi ako, napatingin din ako sa cellphone ko.
"Shoot!" Naiiyak na saad ko.
"Mag ha- half bath lang ako Tita, masakit katawan ko eh." Paalam ko, tumango naman ito kaya kumilos na ako ng mabilis. Sandali lang din ako nag ayos dahil hindi na ako nag abala pa, parang hindi ko na din kaya mag ayos sa sarili dahil ang bigat- bigat ng katawan ko.
BINABASA MO ANG
Still In The Mountain [COMPLETED]
RomanceHotel Series #1: Hailey Bernice and Paxley Calliope