Chapter 5

68 24 5
                                    

Hailey's Pov

"So you don't have plans on telling them?" Pabulong na tanong ni Esra habang nag gugupit ng papel. May activity kasi kami ngayong umaga na mag bigay ng mga puso sa taong gusto namin at bakit.

"Sasabihin ko naman, pero hindi pa ako ready." Ani ko, na- explain ko naman na kung ano ang lupus sa kanya, naintindihan naman nya and good thing about having lupus is hindi na nya ako hinahampas kapag tawang- tawa sya.

"Mukha talagang tanga si Aera dito." Ani nya at may pinakitang picture saakin, tawang- tawa pa sya, hahampasin nya sana ako ng mapangiwi sya.

"Wag na nga ang kj naman kasi ng lupus mo." Bulong nito kaya natawa ako.

"Anong pinagbubulungan nyo?" Muntik ng humiwalay ang kaluluwa ko ng sumulpot si Sydney sa likuran namin.

"May narinig ka ba?" Kinakabahang tanong ni Esra.

"Wala, kaya nga nag tatanong diba?" Sarkastikong saad nito, nakahinga naman ako ng maluwag dahil mukha namang hindi nya narinig.

"Para sayo ang dilaw kong puso." Ani ni Sydney at inabot kay Esra ang puso nyang dilaw.

"Omg i'm gonna cry." OA na saad nito kaya bigla syang sinapok ni Sydney.

"Para din sayo ang puso kong dilaw." Ani ko at dinikit sa damit nya ang ginawa kong hugis pusong papel.

"Omg omg i'm so blessed." Ani nito at umakto pa na parang naiiyak kaya napangiwi ako.

"Esra my darling! I will give you my yellow heart!" Sigaw ni Sydney at dinikit kay Esra ang puso nya.

"Omg omg omg." Mas lalo tuloy syang naging OA.

"How about you Pax? Para apat na OMG na." Ani ni Esra, inismiran naman sya ni Pax sabay dikit lahat ng puso nya sa noo ko kaya nanlaki ang mata ko.

"Gago ka ba!?" Pasigaw na tanong ko.

"Ms. Bernice please watch your words." Nag titimping saad ni Sister kaya napangiwi ako, natawa naman si Pax dahil sa naging reaksyon ko.

"Feeling ko talaga M.U kayo." Ani ni Aera, tinanggal ko naman lahat ng puso na dinikit ni Pax sa noo ko, tinulungan din naman sya akong idikit ito sa damit ko.

"Pinagsasabi mo." Bored na saad ni Pax.

"Gagamitin natin ang mga index card nyo, bubunot ako ng lima para mag share dito sa unahan kung bakit nyo binigay sa taong yun ang mga puso nyo." Ani ni Sister kaya kinalabit ko si Pax.

"Yari ka kapag tinawag ka, pinagtripan mo ako." Bulong ko sa kanya, dinikit ko din sa kanya ang natitira kong puso. Ang kulay pulang puso. Hindi naman ako nakinig sa mga nag share, dahil common ng binibigay nila ang dilaw sa kaibigan nila, at ang pula sa mga taong napupusuan nila. Natigilan ako ng marealize na nasaakin ang kulay pulang puso ni Pax.

"Let's hear it from Paxle Calliope (Paxli kalyopi)" Napangiti naman ako ng tawagin si Pax, parang naging interesado ako biglang makinig.

"Pax?" Tawag ulit ni Sister, wala namang nagawa si Pax kundi tumayo sa unahan naming lahat.

"I gave my all to Hailey." Panimula nito, nag hiyawan naman ang mga classmates namin kaya mas lalo akong napangiti, inasar tuloy ako lalo nila Esra kay Pax.

"Why did you gave your all to Hailey?" Tanong ni Sister sa kanya.

"The yellow heart means friendship, nakahanap ako ng kaibigan sa kanya, na willing akong ipagtanggol kahit ikapahamak nya." Ani nito habang nakatingin saakin, nag finger heart naman ako sa kanya kaya natawa sya.

"Iba na 'to Hailey, kinikilig na ako sainyo ni Pax." Kinikilig na saad ni Esra, kakaasar nila saakin baka bigla kong maging crush si Pax nito!

"And the red heart?" Nakangiting tanong ni Sister.

Still In The Mountain [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon