Chapter 14

70 23 5
                                    

Hailey's Pov

Napamulat ako dahil sa sobrang sakit ng katawan ko, halos hindi ko maikilos ang paa ko pero pinilit kong tumayo upang abutin ang cellphone ko, napapikit ako ng mapag- tantong alasdos pa lang ng umaga.

Dumaing ako sa sobrang sakit ng muscle at joints ko, para akong sinasaksak ng paulit- ulit. Pinilit kong tumayo para sana buksan ang ilaw ng makita ko si Safira na binuksan na ito.

"Hailey?" Nag aalalang tawag nito, unti- unting tumulo ang luha ko sa sobrang sakit, parang ayaw ko ng gumalaw, para akong chinochop-chop ng buhay.

"What's wrong? Why are you crying?" Nag aalalang tanong nito, hinawakan nito ang braso ko dahilan para mapadaing ako lalo.

"Oh... i'm sorry. What's wrong?" Nag aalalang tanong nito, bumuntong hininga muna ako para kumuha ng lakas sumagot.

"Ang sakit..." Natigilan ako dahil parang pati boses ko apektado, pati lalamunan ko ang sakit- sakit.

"Oh no, nagkakaroon ka ng flare." Tarantang ani nito.

"Sandali, gigisingin ko sila Mama." Ani nito, pipigilan ko pa sana sya ng tumakbo na ito palabas ng kwarto. Pinilit ko naman tumayo para sana sabihing ayos lang ako ng matumba ako.

"Hailey!" Sigaw ni Tita Alisson, kaagad naman akong binuhat ni Papa.

Pag- gising ko, nakaratay na ako sa hospital bed, naka swero at binabantayan ni Safira, nakatulog na sya sa tabi ng kama ko habang naka upo, hinawakan ko ang kamay nito dahilan para magising sya.

"Oh my... you're already awake.... i was worried." Ani nito, maga ang mata at halatang walang maayos na tulog, sinandal ko ang likod ko at tinulungan naman ako ni Safira.

"Ayos ka lang ba? Anong nangyari sayo?" Nag aalala tanong ko dito, mukha na kasi syang zombie na parang gutom na gutom.

"Binabantayan kita, umalis lang saglit si Mama dahil papalitan yung IV mo." Ani nito kaya napatingin ako dito, paubos na nga.

"Pang- lima mo na yan." Pag bibigay alam nito kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Tatlong araw kang tulog, Hailey. Nag alala ako ng sobra saiyo and thanks to God gumising ka na." Ani nito. What? Tatlong araw?

"What?" Naguguluhang tanong ko.

"Bumisita sila Sydney dito kahapon." Pag bibigay alam nya.

"Pabalik- balik din si Pax dito, kanina nandito sya pero babalik na lang daw sya mamayang gabi kapag wala na sila Mama." Dagdag nito, napatungo ako. Inaanalyze lahat ng nangyari saakin, bakit parang kanina lang ako nahimatay.

"Also, i don't know if i should tell you or wait our parents." Malungkot na saad nito, sakto naman pumasok ng kwarto si Tita Alisson at Papa, may dala dala silang paper bags.

"Hailey!" Natutuwang saad nito ng makita ako, kasunod nila si Yaya Beth na may dala- dalang basket, napangiti ito ng makitang gising na ako.

"My darling, thanks God you are awake." Ani ni Tita Alisson.

"May dapat po ba akong malaman?" Tanong ko. Nagkatinginan naman si Safira at Tita Alisson.

"Sabihin na natin sa kanya, para aware sya at mas maalagaan nya ang sarili nya." Ani ni Papa kaya nangunot ang noo ko.

"Nag request ng test ang mga doctor saiyo, at lumabas sa result na may CKD ka." Nag aalinlangang saad ni Tita Alisson. CKD?

"What? How?" Naiiyak na tanong ko.

"Kidney daw talaga ang kadalasang unang sinisira ng lupus, may damage na ang kidney mo ng 70%." Dagdag pa nito, kaagad naman akong napahawak sa tiyan ko dahil sa gulat. I'm that worst!?

Still In The Mountain [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon