Part 12

72 23 7
                                    

Hailey's Pov

"Ayaw ko po." Sagot ko kay Kuya, doon pala pumunta si Mama sa kanya, tapos pinipilit nya akong doon na lang mag aral.

"Pero Hailey, baka saktan ka nila dyan." Nag aalalang wika nito.

"Sasabihin ko naman po sainyo kung hindi maayos ang trato saakin. Sige na Kuya, kailangan ko pa kumain." Paalam ko at binaba na ang tawag. Galit na galit si Kuya kay Papa dahil sa nagawa nito kay Mama, pero ayaw ko din naman sumama kay Mama dahil siguradong ililipat ako nun ng school.

"Anak, nandyan ka na pala. Kanina ka pa hinihintay ng Tita Alisson mo." Bati ni Yaya Beth, kinuha nya naman lahat ng bitbit ko.

"Yaya, huwag mo muna imisin yan kasi may pasok pa ako mamayang alauna." Ani ko kaya tumango sya, umuwi lang talaga ako para kumain dahil may iinumin pa akong gamot.

"Hailey, nandito ka na pala. Halika na at nag luto ako, sabay- sabay na tayong kumain." Nakangiting aya ni Tita Alison. Nagulat ako ng makita si Papa sa hapag kainan na nag kakape, may apat na set na hinanda si Tita Alisson. Am i really included?

"Nag luto ako ng adobo, sabi kasi ng Papa mo hindi ka raw kumakain ng mga red meat." Ani nito, pinag sandok nya pa ako.

"May sakit po kasi ako." Ani ko.

"Huwag ka panghinaan ng loob, kumain ka ng marami para gumaling ka na." Nakangiting bilin nito. For the first time, i felt the love of a mother.

"Thank you po, Tita Alisson." Nakangiting ani ko.

"Sya nga pala, baka gusto mo mag transfer sa school ni Hailey?" Tanong ni Papa kay Safira.

"Hindi na po, ayos na po ako sa school ko, scholar po ako doon." Tanggi nito.

"Kaya ko naman bayaran ang tuiton mo. Huwag ka na mag tiis sa school mo." Bilin ni Papa.

"Gusto mo ba makita ang campus? Ililibot muna kita baka mag bago pa ang isip mo." Ani ko, napatingin naman sya sa Mama nya.

"Pag- iisipan ko pa, thank you Hailey." Nahihiyang ani nito kaya tumango lang ako. I felt strange, I am happy but i feel like i'm an outsider.

"What's wrong?" Tanong ni Tita Alisson, nakagat ko ang ibabang labi ko dahil napansin nya kaagad. If my Mom was here, she wouldn't notice.

"Sorry po, nakikisalo ako sainyo." Pag hingi ko ng tawad.

"Ano ka ba, kumain ka na nga lang dyan." Ani nito kaya natawa si Papa, nangunot naman ang noo ko sa reaksyon nya. He seems so happy with Tita Alisson.

"Hindi kasi yan sanay, palagi kasi yan pinapabayaan ng Nanay nya." Direktang saad nito kaya napatungo ako.

"Wilbert!... Hailey patawarin mo ang matabil na dila ng Tatay mo, huwag mo sya pansinin." Suway ni Tita Alisson sa kanya.

"Ang ibig ko lang sabihin, hindi kasi sya inaasikaso ng Nanay nya, kaya hindi sya sanay na pinag sisilbihan ng isang Ina." Pailing- iling na saad ni Papa.

"Hayaan mo, hindi naman sa pinapalitan ko ang Mama mo. But i will try my best to be a good Tita to you." Ani nito kaya ngumiti ako.

Matapos namin kumain, kami na ni Safira ang nag presintang mag hugas ng plato, kasi nag lalaba pa si Yaya Beth.

"Bakit malungkot ka?" Tanong bigla ni Safira.

"Masaya ako, kasi masaya si Papa ngayon." Sagot ko.

"Pero may bahid ng lungkot ang mukha mo." Nag aalalang wika nito.

"Alam mo ba, matagal na kitang gustong makilala. Palagi ka kwinekwento ni Papa saakin." Ani nito kaya napangiti ako. Hindi na ako sumagot, dahil hindi ako sigurado kung masaya ba akong nandito sila at wala si Mama.

Still In The Mountain [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon