Hailey's Pov
Sure akong hindi ako papayagan pumunta ni Mama sa birthday ni Aera kaya dito ako natulog kila Lolo, may usapan na kasi kaming dalawa na papayagan at ihahatid nya ako.
And theme ng party nya is gold, pero light yellow na lang ang sinuot ko dahil wala naman akong gold, gold naman nag susuot kaya hindi na lugi si Aera saakin. Tsaka may dala naman akong gold na necklace for her.
"Lolo, thank you po talaga." Bulong ko dahil gising pa si Lola.
"Hintayin lang natin makatulog ang Lola mo at ihahatid na kita, ayos ba?" Nakangiting tanong nito kaya tumango- tango ako.
"The best ka talaga kahit kailan!" Masayang saad ko.
"Syempre, gusto kong ma- experience mo ang mga ganitong bagay. Tsaka mag iingay ka doon Apo, baka mapatay ako ng Nanay mo kapag may nangyari saiyo." Natatawang saad nya kaya pati ako natawa na lang din. Nakatulog na din naman si Lola, kaya umalis na kami ni Lolo at hinatid nya ako sa bahay nila Aera.
"Susunduin na lang ba kita?" Tanong nito saakin.
"Huwag na po, matulog na po kayo baka mapuyat ka pa dahil saakin." Nag aalalang wika ko.
"Sige, iiwanan ko na lang na bukas ang gate at bintana ng kwarto mo, basta dahan- dahan ka lang at huwag maingay. Huwag ka gagawa ng kalokohan dito ha." Paalala ulit nya kaya nag mano ako sa kanya at humalik sa pisnge.
"Palagi ko po tatandaan ang payo nyo." Nakangiting ani ko.
"Sige na pumasok ka na at baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo." Ani nito, aalis na sana sya ng makasalubong nya si Pax kaya nanlaki ang mata ko.
"Oh Pax, invited ka din pala dito, may mga kaibigan ang Apo ko dito baka kilala mo sya." Nakangiting bati ni Lolo kay Pax kaya nangunot ang noo ko.
"Mano po..." Ani nito at saglit akong tinignan bago nag mano kay Lolo.
"Apo nyo pala si Hailey." Nakangiting komento nito kaya napairap ako, parang may masama sa ngiti nya.
"Oo Pax, magkakilala pala kayo? Mabuti at ganun, may kasabay na pauwi ng Apo ko." Natutuwang saad ni Lolo.
"Ah Lo, kay Esra na lang ako sasabay." Tanggi ko at akward na tumungin kay Pax.
"Nag away ba kayo?" Tanong ni Lolo kaya nag fake laugh ako.
"Hindi po, close na close nga kami eh..." Ani ko at lumapit kay Pax sabay hawak sa braso "Di'ba Pax?"
"Close tayo?" Tanong nya kaya pinanlakihan ko sya ng mata.
"Iniwan mo nga lang ako sa parking lot." Bulong nito kaya tumawa ulit ako ng peke.
"Pasok na kami Lolo." Paalam ko, akmang hihilahin na papasok sa loob si Pax ng pigilan kami ni Lolo.
"Kayo ba ay magkasintahan?" Tanong nito, kumabog naman ng husto ang aking dibdib.
"Bakit nyo naman po naitanong?" Tanong ni Pax, kung wala lang kami sa harapan ni Lolo baka natadyakan ko na sya.
"Nakikita ko lang sa mga mata nyo." Sagot ni Lolo kaya nangunot ang noo ko.
"Sige na nga, pumasok na kayo sa loob." Ani ni Lolo, humalik ulit ako sa pisnge nya bago hinila papasok si Pax.
"Close ba kayo ng Lolo ko? Huwag ngang kung ano- ano sinasabi mo!" Bulyaw ko sa kanya pag pasok namin sa loob, inismiran naman nya ako.
"Oo close kami ng Lolo mo at wala kang pakialam." Sagot nito, akmang tatalikuran ako kaya bwesit kong sinipa ang likod ng tuhod nya. Napaluhod naman sya dahil sa lakas ng impact.
BINABASA MO ANG
Still In The Mountain [COMPLETED]
RomanceHotel Series #1: Hailey Bernice and Paxley Calliope