Hailey's Pov
Muntik na akong hindi payagan nila Mama sumali sa NSTP Grand Ball na magaganap mamayang gabi, buti na lang at dumating dito sila Esra at Lolo para tulungan akong mag paalam. Mukhang masama ang loob ni Mama at Lola pero wala na din naman silang nagawa dahil naka- ready na sila Esra. Umalis na lang tuloy sila at kakain na lang daw sa labas.
"Mabuti na lang at hindi na tumutol." Natatawang ani ni Lolo.
"The best ka talaga!" Ani ko.
"Sige na at mag ayos na kayong magkakaibigan." Ani ni Lolo, tumungo naman kami sa aming silid para makapag- ayos. I just wearing a purple gown, one shoulder cut out split thigh dress and pair it with a black shinning heels. Si Esra na din ang nag ayos ng mukha ko while si Sydney naman sa buhok.
"Aera, bakit naka pink ka?" Tanong ko, purple kasi ang color theme ng party.
"You know, i'm special." Sagot nito kaya napangiwi ako.
"Tignan natin kung papapasukin ka." Hamon ni Sydney dito pero inirapan lang sya ni Aera. Nang matapos kaming mag ayos ay kanya kanya kaming kuha ng litrato. Si Lolo na din ang nag hatid saamin papuntang school.
Kaagad hinanap ng mata ko si Pax, dahil nag sabi na sya saakin na pupunta daw sya ngayon.
"Sinong hinahanap mo?" Mapanuksong tanong ni Esra saakin kaya napa- irap ako.
"Pake mo? Wala ka lang ka- date." Pang- asar ko sa kanya.
"Excuse me, may nakitang gwapo yan sa hospital at close na sila!" Chismis ni Sydney kaya pinanlakihan ko ng mata si Esra.
"Guys, punta lang ako sa ka- date ko." Paalam ni Aera, pinakawalan na din naman namin sya dahil uunahin nya talaga ang landi bago kami.
"Who's the guy?" Tanong ko kay Esra, umupo muna kami sa table namin dahil uunahin talaga namin ang chismis.
"He's Isaiah, pero friends lang kami!" Ani nito pero kinikilig ang gaga.
"And? Why are you so happy?" Mapang- asar na tanong ni Sydney.
"Nothing, basta! Syaka na ako mag kwento kapag may something na!" Kinikilig na saad nito kaya napairap ako.
"Mamaya matulad yan kay James, kayang- kaya ko pa ulit manipa ng itlog sinasabi ko sayo!" Banta ko dito kaya napangiwi sya.
"May sakit na nga yung tao." Bulong nito, mag tatanong pa sana ako ng mahagip ng mata ko si Pax, biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan kaya natahimik ako.
"Gotta go girls. My date is here." Paalam ni Sydney.
"Landi well, Sydney." Ani ko, binelatan naman ako nito at umalis na.
"Pax! Sit here!" Aya ni Esra sa kanya kaya pinanlakihan ko sya ng mata, hindi pa nga nakakapag- retouch yung tao!
"Hi." Bati ni Pax at umupo sa tabi ko, napangiti naman ako sa itsura nya. Ang pogi nyang tignan sa suot nya, kaso mukhang susungitan nanaman ako.
"Buti nakapunta ka." Ani ko, sandali lang ako nitong tinignan at binalik din sa mga nag sasayaw ang tingin.
"Baka ngumawa ka nanaman." Sagot nito kaya natawa ako.
"So i'm the reason why you're here. Aww, thank you Pax!" Biro ko pero inismiran nya lang ako.
"Esra le—
Natigilan ako ng mawala si Esra sa upuan nya, loko- loko talaga ang gagang yun, bigla ba namang nawala ng parang bula.
"She's gone." Bulong ko. Hindi naman sumagot si Pax kaya napasimangot ako, nauubusan ako ng kwento tapos budots pa ang tugtog, sino namang gaganahan?
BINABASA MO ANG
Still In The Mountain [COMPLETED]
RomanceHotel Series #1: Hailey Bernice and Paxley Calliope