Hailey's Pov
Patagal ako ng patagal sa hospital ay palala ng palala ang sitwasyon ko, kailangan na kailangan ng palitan ng kidney ko, pero wala pa silang nahahanap na donor.
"Hailey, basain natin ang labi mo." Ani ni Safira, may hawak syang baso at cotton buds, marahan nyang binabasa ang labi ko dahil tumutuyo ito.
"Masakit ba?" Tanong nito kaya umiling ako, namumula na din ang magkabilang pisnge ko dahil sa mga rush. Pinunasan nya din ako ng basang towel para mapreskuhan.
Maya- maya ay may kumatok kaya pinag buksan ito ni Safira, bumungad naman saamin ang mukha Kuya, Lola at Mama, nagulat pa si Safira kaya napa- atras ito.
"Hailey." Dismayadong tawag ni Kuya, kaagad itong lumapit saakin at hinawakan ang kamay ko.
"Bakit ka nag kaganyan? Pinabayaan ka ba ni Papa?" Galit na tanong nito.
"Hindi Kuya, inaalagaan nila ako dito." Ani ko.
"Inaalagaan ka pero nag kaganyan ka pa rin." Pailing- iling na saad ni Mama kaya umiwas ako ng tingin.
"Matagal ko na kasing sinabi sa kanya na huwag kumain ng mga bawal, huwag makipag kaibigan sa mga bad influence. Kaso ang tigas ng ulo ng anak mo, ayan ang napala!" Pailing- iling na saad ni Lola, hindi na lang ako sumagot dahil sila naman ang palaging tama, ano nga ba naman ang laban ko?
"Huwag nyo naman sabihan ng ganyan si Hailey, bawal sa kanya ang mastress." Pag tatangol ni Kuya saakin.
"Sya din naman gumagawa ng ganyan sa sarili nya, ginusto nya yan kaya dapat nyang panindigan." Ani nito at dinuro pa ako.
"At ikaw, ano namang ginagawa mo dito? Nilalason mo si Hailey?" Kaagad napatingin saakin si Safira ng kausapin sya ni Lola, parang umatras ang dila nya dahil sa takot.
"Hindi nag mano, hindi tayo binati. Walang modo." Ani nito kaya napatungo si Safira.
"Ano ba ang pinunto nyo dito? Ang dalawin si Hailey o insultuhin ang mga kapatid ko?" Naiinis na tanong ni Kuya, napahawak naman ako sa kamay nya para pigilan sya. Gusto kong lapitan si Safira dahil umiiyak na ito sa gilid habang naka tungo.
"Mag kakapatid nga kayo, ang babastos ninyong tatlo." Ani ni Lola at dinuro pa kami.
"Sana hindi na lang kita dinalaw, wala naman akong pakialam kung sumakabilang buhay ka." Ani ni Lola, hindi ko na lang sya pinakingan, pasok sa isang tainga at labas sa kabila. Wala din naman akong pakialam kung sumakabilang buhay sya sana ngayon na!
Joke!
"Sumosobra na kayo Lola, gusto nyong irespeto kayo ng mga kapatid ko pero pinapakita nyong hindi kayo karespe- respeto!" Kaagad nakatangap ng sampal si Kuya galing kay Mama.
"Talagang ipag- tatangol mo ang dalawang ito kahit mawalan ka na ng respeto sa nakakatanda sayo?" Hindi makapaniwalang saad ni Mama.
"Gets ko na, kaya ka pinagpalit ni Papa kay Tita Alisson at Safira dahil ganyan ka." Matapang na saad ni Kuya, natahimik si Mama dahil dito, unti- unting tumulo ang luha nya at napatingin saakin.
"Kasalanan to ng kapatid mo, kung sana hindi sya nabuhay maayos tayo ngayon." Ani nito.
"Veronica! Tumigil ka!" Nagulat kaming lahat ng biglang pumasok si Papa sa kwarto, kasunod nya si Tita Alisson na kaagad niyakap si Safira.
"Hindi kita inimbitahan dito para insultuhin ang pamilya ko." Ani ni Papa.
"Makakaalis na kayo kung mangungutya lamang kayo." Dagdag pa nito.
"Hindi mo pa ba sinasabi kay Hailey?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mama, nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.
"Ano po yun? Ano yun Papa?" Naguguluhang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Still In The Mountain [COMPLETED]
RomanceHotel Series #1: Hailey Bernice and Paxley Calliope