Chapter 2

72 24 6
                                    

Hailey's Pov

"Kuya papasok na ako!" Paalam ko kay Kuya habang nag aayos ng gamit.

"Umuwi ka ng maaga mamaya, para sabay- sabay tayong makapag- hapunan." Nagulat ako ng biglang sumulpot si Lola, nandito pala sya sa bahay. Kumabog ng husto ang puso ko at parang nagwawala ito, hindi din ako makahinga ng maayos.

"O-Okay po." Ani ko at nagmadali ng umalis doon, mukhang hindi narinig ni Kuya ang paalam ko pero bahala na sya. Tumungo kaagad ako sa classroom at tumabi kay Esra, iniwasan ko na din dumaan sa altar dahil baka maparusahan nanaman ako ni Sister.

"Bakit late ka?" Tanong nito, kaagad kong tinangal ang jacket ko at nag labas ng mini fan, napakainit!

"Tanghali ako nagising." Sabi ko na lang, pero ang totoo may flare ako kaninang umaga, hindi ako makakilos ng maayos dahil nananakit ang mga muscle ko, para akong sinagasaan ng ten wheeler! Tsaka ang tuhod ko, parang ube dahil sa pasa.

"Bakit hindi pa nag sisimula ang klase?" Tanong ko.

"May project tayong gagawin at by parter ito, sinusulat pa ni prof ang bunutan. Swerte mo hindi ka napagalitan dahil late ka." Ani nito. Matapos ang teacher ko sa ginagawa nya ay tinawag nya isa- isa ang mga kaklase ko para bumunot, bumunot din ako at numero 12 ang nakuha ko.

"Sinong twelve!?" Sigaw ko at winagayway pa sa ere ang papel na kapit ko.

"Ano ba yan, hindi tayo parehas. Twenty ang nabunot ko!" Dismayadong saad ni Esra.

"Okay lang yan, sawa na ako sa mukha mo." Biro ko sa kanya, inismiran naman nya ako. May kanya- kanya na silang partner samantalang ako nag hahanap pa, nahagip naman ng mata ko si Pax na tahimik at nakatitig sa kanyang papel kaya nilapitan ko sya.

"Pax!" Tawag ko, muntik naman syang tumakbo palabas ng classroom dahil sa gulat. Inagaw ko ang papel na kapit nya, pilit naman nya itong binawi pero hindi ko binigay.

"Loko ka! Kanina ko pa hinahanap ang pares ng nabunot ko hindi ka nag sasalita!" Bulyaw ko sa kanya, kumibit balikat lang ito at pinag- hila ako ng upuan.

"Ano oras tayo pupunta sa bundok?" Tanong ko sa kanya.

"Alam mo na ba ang gagawin sa project na ito?" Tanong nya saakin kaya napatingin ako sa board, wala namang nakasulat.

"Late kasi ako, ano bang gagawin?" Tanong ko, inismiran naman nya ako at pinakita saakin ang notes nya, puro ingredients ang nabasa ko.

"Magluluto tayo, tapos kukunan ng video." Ani nito kaya tumango- tango ako, mukha namang nakinig si Pax kaya hindi na ako nag tanong pa. Matapos ang buong maghapon ay hindi ko muna kinulit si Pax, baka kasi mag bago ang isip nya na pumunta sa bundok.

"Uy, gusto mo sumama sa coffee shop?" Tanong ni Esra, nahagip naman ng mata ko si Pax na palabas na ng classroom.

"Next time na lang, may lakad kasi ako. Bye!" Paalam ko at nagmadaling umalis para mahabol si Pax.

"Pax! Hoy!" Tawag ko, buti na lang at tumigil sya kaya naabutan ko sya, hingal naman ako ng makalapit sa kanya. Bawal nga pala akong mapagod, tapos tumakbo pa ako.

"May asthma ka ba?" Tanong nito at kumuha ng tubig sa bag nya, tinangap ko naman ito.

"Wala, napagod lang. Di'ba pupunta tayo ng bundok? Bakit iniwan mo ako?" Reklamo ko dito.

"Kukunin ko lang yung motor ko." Katwiran nito, napatingin naman ako sa labas dahil napakainit.

"I-aangkas mo ako?" Kinakabahang tanong ko dahil bawal na bawal akong maarawan.

"Ayaw mo ba? Wag na pumunta." Ani nito.

"Pax! Syempre gusto ko." Ani ko.

"Yun naman pala, hintayin mo ako dito." Ani nya kaya tumango ako. Pagkaalis na pagkaalis nya ay nagsuot kaagad ako ng jacket at cap tapos mask, mabuti na lang at naka long socks ako.

Still In The Mountain [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon