Hailey's Pov
"Bakit dito mo ako dinala?" Tanong ko, nandito kami ngayon sa most luxury and famous restaurant ng Manila, no other than my dining restaurant!
"Balita ko masarap daw kumain dyan." Ani nya, nangunot naman ang noo ko.
"Hindi mo ba kilala may ari nyan?" Tanong ko habang nag lalakad kami papasok.
"Ikaw, kaya dito mo ako i-libre." Ani nya, inirapan ko naman sya, ang galing nya din pumili ng lugar, sa mamahalin pa talaga. May class!
"Goodevening Ma'am Hailey." Bati ng gwardya, nginitian ko lamang ito at pumasok na kami sa loob, kumuha na din ako ng vip room dahil baka sabihin ni Eithan tinitipid ko sya.
"Please serve us all of the chief's choice." Bulong ko sa waiter.
"Ganda dito." Nakangiting saad nya, napangiwi naman akk dahil hindi ako interesadong kausap sya, mabilis lang din naman sinerve ang mga food.
"Bilisan mo kumain, inaantok na ako." Ani ko, ang lawak naman ng ngiti nya ng makita ang mga pagkain.
"Hindi ka ba kakain?" Tanong nito, napatingin naman ako sa pagkain.
"Hindi, ayaw kitang kasabay." Ani ko.
"Sige." Sagot nya, napairap tuloy ako. Talaga bang hindi nya ako pipilitin kumain? Kumakalam na sikmura ko oh!
Naiingit ako, kumakain sya ng tahimik at napaka- bagal nyang kumain, parang prinsesa na nag hihiwa ng karne, nakakasura!
"Pwede pa ba ako umorder?" Tanong nito kaya nanlaki ang mata ko.
"Hindi mo pa nga ubos! Baka hindi mo maubos!" Reklamo ko dito.
"Gusto ko lang naman umorder ng milkshake." Reklamo nito, napairap ako at sinenyasan ang waiter na sundin na lang ang gusto ni Eithan.
Hindi ko maiwasan mapatitig sa steak na ginagayat nya, talagang naiingit ako dahil amoy na amoy ko ang kinakain nya, matapos lang talaga sya kumain pupunta ako ng kusina.
Mas lalo akong nairita ng tumitingin muna ito saakin bago sumubo, iniingit nya ba ako? Ha! Ang C.E.O ng Grand Paxon Luxury iniingit ako sa steak nya!?
"Paano ka pala pupunta sa Capital?" Tanong nito, kumibit balikat na lamang ako, ayaw kong mag salita, naiingit talaga ako. Napatingin ako sa kanya ng mag lapag sya ng plato sa harapan ko, nilagyan nya ito ng steak na ginayat nya kanina.
"Mag co- commute ako." Sagot ko, sinimulan ko ng kainin yung steak, ayaw ko naman talaga kumain ng galing sa kanya, pero ako naman mag babayad nito kaya saakin pa rin ito galing.
"Paano kung sumabay ka na lang saakin?" Tanong nito, nangunot naman ang noo ko.
"Bakit naman ako sasabay saiyo? Kaya ko naman mag commute." Tanggi ko, tumango na lang ito at pinag- patulog ang pagkain.
"Sabi mo eh." Bulong nito, hindi ko na lang sya pinansin at tinulungan na lang sya sa pagkain para mabilis matapos.
Kinabukasan, maaga akong nag handa para sa event na pupuntahan namin, ang collaboration ng dalawang hotel, excited ako dahil siguradong maraming pagkain, wala naman akong gagawin doon dahil hindi naman masyadong nag e-expect ang ibang investors saakin, actually gusto ko na ngang ibenta ang share ko, kaso parang binubulungan ako ni Lolo na, 'wag.
Pumunta pa ako ng salon at botique para mag ayos ng sarili, isang buong araw din ang nilaan ko para dito. Mabuti na lang at sinabay na ako ni Tito Michel papunta doon kaya hindi na ako nahirapan pa, kinakabahan din kasi akong mag maneho, natutulala ako sa daan at mabilis akong maligaw kaya hindi na ako nag abala pa bumili ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Still In The Mountain [COMPLETED]
RomanceHotel Series #1: Hailey Bernice and Paxley Calliope