Inayos ko ang polo ko ng matanaw si Hailey, nakabusangot ang mukha at may hawak na bulaklak. Delayed ang program ng ilang oras dahil hinintay ko pang magising ang babae. Pinag masdan ko lang sya hangang maka upo sya, nakabusangot pa rin ang mukha nito.
Nang tawagin ako para mag bigay ng mensahe, nakita ko ang pag kunot ng noo nya. Kumabog ng husto ang dibdib ko dahil baka makilala nya ako. Paulit ulit na syang kinalabit ng katabi nya, galit na din si Manager Soo sa kanya kaya natawa ako, hindi ka pa rin nag babago, ikaw pa rin si Hailey na minahal ko.
Nang mapansin nyang nasa kanya na ang atensyon ng lahat, namula ang pisnge nito at umakyat na sa stage. Kumabog ang puso ko habang palapit sya saakin. Dinaga ang puso ko ng ngitian ako nito sabay abot ng bulaklak, tinangap ko ito at umiwas ng tingin.
Matapos ang event, hindi ko na nakita si Hailey, marami din ang kumausap saakin kaya nawala sya sa paningin ko. Nag madali akong umalis sa alon ng tao na sumalubong saakin, hinanap ng mata ko si Hailey. Uminit ang ulo ko sa sampalin ito ni Soo, kaya kaagad akong lumapit, hinarang ko ang pangalawang sampal na ibibigay nya sana kay Hailey, gulat itong napatingin saakin.
Gusto ko syang paluhurin at parusahan dahil sa ginawa nya kay Hailey, walang pwedeng manakit sa kanya kahit ako pa. Gusto ko pang pagalitan si Soo kaso umalis na si Hailey kaya sinundan ko sya. Nagulat ako ng banggitin nya ang dati kong pangalan, hangang ngayon pala ay iniisip nya pa rin ako, makalipas ang pitong taon, ako pa rin ang laman ng puso mo. Kaso binato nya ng nameplate ang mukha ko, ang sarap mo talaga mag mahal love.
Lumipas ang tatlong araw na hindi nag pakita si Hailey sa hotel, sabi nya ay mag reresign na sya pero hindi nya pa rin matatakasan ang responsibilidad nya dahil isa sya sa mga shareholders, huwag nya lang sana maisipan ibenta ito dahil kawawa ako.
Kinausap ko naman si Tito Michel na imbitahan si Hailey na mag sign ng mga papel kahit hindi naman kailangan, napangiti ako ng sinuri nyang mabuti ang papel, buti hindi nya nahalatang gawa- gawa ko lang yun para makita sya. Nag picture picture pa ito sa pool area, nakangiti lang ako habang pinag mamasdan sya. Nanigas ito sa kinatatayuan nya, kaya napatingin ako kung saan sya nakatingin, napaayos ako ng tayo ng makita si Suzy na tumatakbo at handa na syang dambahan, sa taranta ni Hailey, bigla itong tumalon sa swimming pool.
Talaga namang aso ka.
Kaagad akong tumakbo at tumalon sa pool, hindi alintana ang mamahalin kong cellphone sa bulsa at ang suot kong relo at sapatos. Hindi marunong lumangoy si Hailey kaya siguradong malulunod ito, nang maiahon ko sya, nawalan ito ng malay.
"Suzy, palalayasin talaga kita." Banta ko sa aso, tumakbo naman ito palayo saakin.
Kaagad kong dinala si Hailey sa doktor nya. At kung swineswerte ka nga naman, nauto ko syang makipag dinner date saakin.
"Sydney sige na, ako ang ipares mo kay Hailey." Inirapan ako ng babae.
"Mapapansin nya yun Pax!" Naiinis na saad nito.
"Hindi ka ba naawa saakin?" Umikot ang mata nito, nawawalan ng pasensya pero napapayag ko din naman sya. Pinaalis na ako nito dahil may lakad pa sila ni Hailey, nag pumilit akong sumama pero hindi ako nag tagumpauy, anak ng!
Narinig kong nag uusap si Sabel at Hailey, pinag uusapan nila ako at walang takot nyang nirerecruit ang kaibigan na mag trabaho para sa kanya, natawa ako dahil talagang galit na galit sya saakin, wala pa nga akong ginagawa. Sinubukan kong lumapit at kausapin ang babae, inirapan at tinarayan lang ako nito. Tinanong rin ako nito kung may kilala ba akong Paxley, nasa harapan mo na nga.
"Okay, hindi naman ako interesado sa buhay mo." Sakit nun ah, pero okay lang, lalambot ka din saakin, papayag ka din sa kasal na iaalok ko sayo.
Dinala ko sya sa restaurant na ipinatayo nya, yearly ko itong prinopromote sa mga kilalang tao, lalo na sa mga nagiging ka- sosyo ko sa negosyo. Pero ito ang unang beses na kakain ako dito, at si Hailey pa ang kasama ko, halata sa mukha nya ang pag kairita dahil dito ko sya dinala.
BINABASA MO ANG
Still In The Mountain [COMPLETED]
RomanceHotel Series #1: Hailey Bernice and Paxley Calliope