Hailey's Pov
"Bakit mo ako pinatawag, Eithan?" Tanong ni Tito Michel, naka- tungo lang si Sabel at Manager Soo.
"Why do you have to pick a fight?" Tanong ni Eithan kay Manager Soo.
"Sir, pet is now allowed in our hotel, also Hailey is trying to deceive you." Paliwanag nito.
"Anong deceive pinag sasabi mo? Aso nga yun ni Eithan si Suzy!" Naiinis na bulyaw ko dito.
"Manager Soo, iniwan ko kay Hailey si Suzy, ka- trabaho mo sya dati, bakit mo sya pinag dududahan?" Tanong nito.
"Galit po kasi talaga sya kay Hailey dati pa." Ani ni Sabel.
"I can't believe you, bringing personal matters to work." Dismayadong saad ni Tito Michel at naupo habang hinihilot ang sintido nya.
"Sir, i'm really sorry and i can assure you, this will not happen again, at ako mismo ang mag hahanap kay Suzy." Ani ni Manager Soo at matalim akong tinignan.
"We will open a branch soon, we need all the help that we can. But Manager Soo, i can't tolerate your behavior, so it's either resign or you will be demoted." Kaagad na napaluhod si Manager Soo sa harapan namin.
"Sir, please give me a second chance." Naiiyak na saad nito.
"Mr. Dy, please promote Sabel as our acting manager, the new branch will be her training ground." Nanlaki ang mata ni Sabel sa narinig.
"And you Hailey, you will assist Sabel." Ani nito kaya napa- turo ako sa sarili ko.
"Ako? Eithan mabubulok ako sa probinsya!" Reklamo ko dito, nandito ang business ko tsaka ang layo ng probinsya!
"Remember what you promised?" Tanong nito.
"Akala ko ba yung five percent share ang hinihingi mo?" Tanong ko, a small grin formed in his face which irritates me!
"Nag bago isip ko." Nakangiting ani nito, napairap na lang ako dahil naalala kong hindi nga pala ako pwede mag reklamo.
Pinalabas na kami ni Sabel sa opisina, naiwan doon si Eithan, Manager soo at Tito Michel, tumambay lang kami dito sa labas ng hotel habang kumakain ng ice cream, alam kong bawal ito saakin pero masama ang loob ko.
"Sigurado ka bang hindi ka mag kakasakit dyan?" Tanong ni Sabel kaya umiling ako.
"Stressed ka kanina, umiyak ka pa, tapos ngayon kumakain ka ng ice cream." Ani nito kaya ngumuso ako.
"Mag tatagal tayo sa probinsya, nakakainis naman!" Naiiyak na saad ko.
"Congratulations!" Bulyaw ko kaya nagulat sya.
"Wala pa Hailey, training pa nga lang, sana magustuhan ni Sir Eithan ang service ko. And by the way, close na ba kayo ni Sir Eithan?" Takang tanong nito, kumibit balikat naman ako dahil mukhang naging close na nga kami.
"Suzy!?" Gulat na tawag ni Sabel, napatayo ako ng makita ko si Suzy na nag lalakad kasama ng isang staff din sa hotel.
"Suzy!" Tawag ko dito, narinig nya naman ang boses ko kaya tumakbo ito palapit saakin.
"Gago kang aso ka! Pinakaba mo ako!" Naiiyak na bulyaw ko dito at kaagad syang niyakap, ilang trouble na ba ang dinala saakin ni Suzy?
"Thank you." Sabi ko sa lalaki kaya nginitian ako nito.
"Aso talaga yan ni Sir Eithan? Paano yan napunta sayo?" Tanong ni Sabel.
"Mahabang kwento, pero kasi nung nasa Capital kami, nag kasakit si Eithan at ako ang nag alaga sa kanya, nakatulog ako sa condo nya at pag gising ko kami na lang ni Suzy ang nandoon, hindi ko naman sya maiwan kaya inuwi ko na lang." Kwento ko, tumili naman ito.
BINABASA MO ANG
Still In The Mountain [COMPLETED]
RomanceHotel Series #1: Hailey Bernice and Paxley Calliope