Hailey's Pov
Maaga akong umalis ng bahay ngayon para bumili ng ireregalo sa sarili ko, it's my birthday! Siguro hindi nanaman maalala ni Mama at Papa dahil palagi naman! Ofcourse sanay na ako, kaya tuwing birthday ko nag cecelebrate ako mag isa.
Napag desisyunan kong kumain muna sa labas, breakfast. Tapos dumaretso na ako sa botique para mamili ng mga damit, marami naman akong ipon galing sa allowance ko.
Naka bili din ako ng halos sampung damit, isang beses sa isang taon ko lang naman ito ginagawa kaya worth it na din!
Sayang at wala si Pax, sana may kasama akong mamili ngayon. Sila Esra naman daw busy, kaya hindi nila ako masasamahan, they didn't greet me a happy birthday.
Pagkatapos kong pasayahin ang sarili ko ay dumaretso ako sa bahay ni Lolo, tulog pa ito kaya tumunganga nanaman ako, nanuod na lang ako ng movie at dito ko inubos ang oras ko.
Dumidilim na kaya napag desisyunan kong umuwi, walang bumati saakin ngayong araw kahit isa, pero okay lang!
Nangunot ang noo ko dahil sobrang dilim ng bahay, nasa gate pa lang ako ay parang kinikilabutan na ako dahil lahat ng ilaw naka sarado. Baka umalis sila Papa at namasyal.
Dahan- dahan ko namang binuksan ang pintuan dahil baka may magnanakaw na pala sa loob. Then suddenly a loud explosion occur!
"AAAHHHH!" Sigaw ko, nag si- bukasan lahat ng ilaw at bumungad saakin ang pag mumukha nila Esra, may kapit- kapit silang mga balloons habang si Tita Alisson at Papa ay nasa gitna, may hawak na cake.
Sabay- sabay naman silang kumanta ng happy birthday kaya napahawak ako sa bibig ko, kumaway pa si Pax saakin na nasa gilid katabi si Lolo. Akala ko kasama ko si Lolo kanina, akala ko lang pala yun!
"Happy birthday, Hailey." Bati ni Tita Alisson kaya napangiti ako. This is the first time someone surprised me, and the first time i felt my worth. Tita Alisson make me feel like my existence is important.
"Bakit ka umiiyak? Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong ni Papa, napangiti tuloy ako ay napa- iling.
"Gusto ko po, masaya lang po ako. Thank you." Ani ko, i didn't bothered to wish. Matapos kong mag blow ng candle, lumapit saakin si Pax at may dala- dala syang kahon.
"Happy Birthday, Love." Bulong nito sabay abot ng regalo.
"Happy birthday darling!" Sabay sabay na bati nila Esra.
"Sorry kailangan ko umuwi kaagad, may family gathering kasi kami ngayon." Paalam ni Esra.
"Bakit parang hindi ka okay?" Tanong ko, ngumiti lang ito at umiling.
"Wala lang sa mood, una na ako ha... here's my gift pala." Ani nito sabay abot ng regalo, hindi ko na din naman sya pinilit pa na mag stay dahil mukhang kailangan nya mapag isa. Bukas ko na lang siguro sya kakamustahin kapag ready na sya.
"Kumain na tayo!" Excited na sigaw ni Aera, napansin ko namang tahimik si Safira sa gilid kaya nilapitan ko sya, hinila ko ang kamay nya papunta sa mga kaibigan ko.
"Darlings, this is Safira, my half sister." Ani ko.
"Hi Safira." Bati ni Aera dito, ngumiti lang si Sydney.
"Pax!" Ani ko at mahina syang hinampas sa balikat, inikot muna nito ang mata nya bago napilitang ngumiti.
"Hi Safira, sister ni Hailey." Sarkastikong saad nito, muntik ko na syang masabunutan dahil sa sinabi nya.
"Ahm... hi." Awkward na saad nito.
"Tara kain na tayo." Aya ko kay Safira.
"Sorry sa kanila, hindi kasi sila sanay makakita ng maganda." Biro ko, natawa naman sya sa sinabi ko. Maya- maya, lumapit saakin si Lolo.
BINABASA MO ANG
Still In The Mountain [COMPLETED]
RomanceHotel Series #1: Hailey Bernice and Paxley Calliope