Kabanata 22
| Mic's Point of View |
"Saan mo naman ako dadalhin?" Tanong ko ng nasa byahe na kami.
Dinala ko na din ang bag ko para hindi ko na kailangan na bumalik pa sa mansyon. Deritso uwi na din, nakatipid pa ako sa pamasahe.
"Jollibee."
"Na naman." Narinig ko ang mahina nitong tawa kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit?"
"Wala." Inismiran ko ito at muling itinuon ang atensyon sa labas. "Saan mo ba gusto?"
"Kahit saan basta wag lang sa Jollibee, sawa na ako. Meron pa ngang natira sa dala mo kagabi eh tapos Jollibee na naman." Pagmamaktol ko.
"Okay, ako na ang bahala kung ganon. I'll assure you that you will like it." May excitement pa sa boses nito ng sabihin nya iyon.
"Siguraduhin mo lang."
"Yup."
Napasandal na lang ako at ipinikit ang mga mata para magpahinga habang nasa byahe kami. Wala pang ilang minuto ng maramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan, gusto kong imulat ang mga mata ko kung bakit tumigil pero pinigilan ko na lang din ng maramdaman ang pagdantay ng kung ano sa katawan ko.
Maya-maya lang ay naramdaman ko na ulit ang pag-andar ng sasakyan. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, napangiti na lang ako ng makita ang jacket ni EJ na nakataklob sa katawan ko.
Nilingon ko sya at agad bumilis ang pintig ng puso ko ng sumulyap ito sa akin saka nginitian ako.
"Pahinga ka na muna. Gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo." Saad nito habang nakatoon na ang atensyon sa daan.
Hindi na ako umimik pa at bumalik na lang sa dating pwesto kanina. Ipinikit ko na uli ang mga mata ko habang binabalot ng ngiti ang aking mga labi.
What a sweet man.
Ang balak ko lang sanang magpahinga ay mukhang nauwi sa mahimbing na pagkakatulog. Dahil siguro sa pagod kaya hindi ko na namalayan.
Nagising na lang ako dahil sa malamig na simoy ng hangin at ang pakiramdam na parang may nakatingin sa akin. Pagmulat ng aking mga mata ay agad bumungad sa akin si EJ.
"Anong ginagawa mo?" Inaantok ko pang tanong sa kanya.
"Pinapanood ka."
"Habang tulog?" Tumango ito na ikinasimangot ko.
Paano kung humihilik pala ako kanina o kaya naman ay tumutulo na yung laway ko habang tulog?
Tangina.
Binalot ako ng hiya at umiwas ng tingin pero agad nanlaki ang mga mata ko ng makita kung nasaan kami.
"Na-nasaan tayo?" Nauutal kong tanong dahil sa wala talaga akong idea kung saan ako dinala ng lalaking ito.
"Bagasbas." Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.
"Seryuso?"
"Yup." Nginitian pa ako nito. "Let's go, bumaba ka na dyan."
Utos nito sa akin at mas nauna ng lumabas ng sasakyan. Hindi pa din ako makapaniwala na naandito kami. Bumaba na din ako at sinundan si EJ na nauna nang naglakad papunta sa dalampasigan.
"Bakit dito mo ako dinala?" Tanong ko rito nang nasa tabi nya na ako.
"It's just pop up in my mind." Simpleng sagot ng binata.
"Paano kung hindi pala Bagasbas ang unang pumasok dyan sa utak mo? Paano kung saang lugar pa na mas malayo pa dito o ang mas malala pa ay sa ibang bansa? Doon mo pa din ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love made in Art
Romancemics_@rts Love made in Art Broken Affection Series #1 Female Lead: Mics L. Sullivan Male Lead: EJ B. Montez She love painting so much that she could even dream about being a successful and well-known painter artist. But for her life that she have, i...