Kabanata 20
| Mic's Point of View |
Agad bumungad sa akin ang puting kesami pagkamulat na pagkamulat pa lang ng aking mga mata. Napahawak na lang din ako sa sentido ko ng maramdaman ang pagkirot nito.
"Tangina." Dahan-dahan akong bumangon at naupo.
Biglang umangat ang tingin ko sa pinto ng bumukas ito. Si aling Carmen na may dalag tray ng pagkain.
"Mabuti at gising ka na. Ito, kumain ka muna para magkalaman yang tiyan mo." Saad nito pagkabitang ng pagkain sa tabi ko. "Isinama ko na din d'yan yung pagkain na nasa lunch box mo, mukhang pabaon sayo. Ininit ko na din at malamig na ."
"Salamat po aling Carmen."
"Wala yun, oh sya sige na. Maiiwan na kita. Nagdating kasi si maam Darcy, ang dami tuloy asikasuhin. Kala mo naman ay sa kanyang bahay kung magpa-party." Reklamo nito. "Sya nga pala, may gamot na din dyan. Wag mong kalimutan na inumin." Anito at lumabas na din.
Naiwan akong nakatulala. Iniisip ko kung anong nangyari sa akin ng mawalan ako ng malay kanina.
Gosh, nakakahiya. Sana lang ay hindi ko na sila makita pa. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko pag-pinaglandas na naman kami ng tadhana. Nakakahiya talaga!
Napabuga na lang ako ng hangin sa kawalan at nag-umpisa ng kumain. Hindi ko na lang muna siguro yun iisipin, kailangan ko na munang kumain para magka-energy ako.
Dahil siguro sa subrang gutom ay halos maubos ko na ang pagkain. Napahawak na lang ako sa tiyan ko at tiningnan ang platong wala ng laman.
Grabe, naubos ko? Mukha nga, wala man lang natira eh. Natawa na lamang ako sa sarili ko.
Nauuhaw na ako ngunit mukhang walang nadalang tubig si aling Carmen. Iniligpit ko na ang pinagkainan ko at lumabas ng silid.
Ako na lang siguro ang kukuha, ayaw ko naman mang-abala ng iba para lang ikuha ako ng tubig lalo na't kaya ko naman na. Dahil lang siguro sa pagod at wala pang kain kaya ako nahimatay kanina.
Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay agad kong narinig ang malakas na tugtugin. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas at pumunta sa kusina para uminom ng tubig at dalhin na din ang pinagkainan ko. Kailangan ko ding uminom ng gamot para kahit papaano ay maging maayos na ang pakiramdam ko.
Nakapatay ang ilaw sa kusina pagkadating ko. Akmang bubuksan ko ang ilaw ng may kamay na pumigil sa akin. Paglingon ko kung sino ito ay napaatras na lang ako.
"Calix-
"Shhh." Itinapat nito ang hintuturo sa labi ko. "You might disturb them."
Tiningnan ko kung sinong tinutukoy nito at gayun na lang ang panliliit ko sa sarili ng makita kung anong ginagawa nila.
They're fucking kissing. EJ and Darcy.
Oo nga't madilim ang paligid pero sapat na ang ilang makukulay na ilaw nagmumula sa dance floor para makilala kung sino sila. Hindi ko gaanong maaninag kung si EJ nga ba yun dahil sa nakatalikod ito ngunit nawalan na din ako ng pake.
Inalis ko ang daliring nakalapat sa labi ko at umalis ng walang paalam. Ewan ko ba, nawala na sa isip ko ang lahat.
Sa likod ko na lang ng mansyon dinala ang pinagkainan ko. Meron din kasi ditong isa pang maliit-liit na kusina, katabi lang din ng laundry-han.
Pagkalagay ng try kong dala ay napatingin na lang ako sa ibaba. Bakit ba ako umasa?
Nakalimutan kong magkaiba nga pala ang mundong ginagalawan namin. Tangina, hindi ka na talaga natuto Mics.
BINABASA MO ANG
Love made in Art
Romancemics_@rts Love made in Art Broken Affection Series #1 Female Lead: Mics L. Sullivan Male Lead: EJ B. Montez She love painting so much that she could even dream about being a successful and well-known painter artist. But for her life that she have, i...