Kabanata 21
| Mic's Point of View |
Kanina pa nakakunot ang noo ko dahil sa kanina pa din nagpapapansin sa akin si EJ. Wala bang ibang magawa ito?
Hindi tuloy ako makapag-focus sa trabaho ko. Nagpupunas ako ngayun ng sahig sa may first floor at ang lalaking pilit kong iniiwasan ang tingin kanina pa ay nakaupo sa may sofa at nakatingin lang sa akin.
Nagpresinta din ito sa akin kanina na tutulongan daw ako sa pagpupunas at as if naman ay hahayaan ko sya. Baka kung ano pang sabihin sa akin ng mga tao dito.
Hindi ko din maiwasang mahiya kanina dahil napagilatan na naman ako ni aling Carmen. Nalaman na din ng mayordoma na na-late ako kahapon kaya tuloy todo hingi ako ng pasensya sa kanya lalo na kay aling Carmen na syang mas napagsabihan kaysa sa akin.
"Pagod ka na?" Tanong sa akin ni EJ ng lumapit ako malapit sa may pwesto nya dahil yun naman ang sunod kong pupunasan.
"Bakit ba tanong ka ng tanong?" Mahinang bukong rito dahil baka may makarinig sa amin, mapag-chismisan pa ako.
"Nag-aalala lang ako sa'yo. Sinabi ko na kasing tutulongan kita pero ayaw mo." Napaikot na lang ako ng mga mata.
"Alam mo bang hindi normal yang mga pinagsasabi mo? Sino bang amo ang tumutulong sa paglilinis? Wala diba?" Narinig ko ang mahina nitong pagbuntong hininga.
"Then I will do something." Napatigil ako sa ginagawa dahil sa sinabi nito.
Hindi ko na din natanong ito dahil sa umalis na ang binata ng wala man lang paalam. Mukhang may binabalak pa ito, kinakabahan tuloy ako.
Bumalik na lang ulit ako sa pagpupunas ng sahig ngunit maya-maya lang din ay napatigil ako at napaangat ng tingin ng makita ko ang mayordoma na papalapit sa pwesto ko.
"Tapos ka na ba?" Tanong sa akin ng mayordoma.
"Malapit na po. Bakit po?" Magalang kong tanong.
Nakakatakot talaga ang awra nito. Parang kakainin ako ng buhay sa uri pa lang ng tingin nya sa akin.
"Pagkatapos mong magpunas ay pumunta ka sa kwarto ni señorito EJ, linisin mo ang kwarto nya." Nabitawan ko pa ang hawak kong mop dahil sa sinabi nito.
Kinuha kong muli ang mop at alanganing tumingin rito. "Ba-bakit po ako?"
"At bakit hindi ikaw? Katulong ka diba?" Mataray nyang tanong sa akin. Ang tabil talaga ng dila ng matandang ito.
Kung nasa tabi ko lang siguro si Maia ngayun ay kung anu-anong nasabi at nagawa nya rito. Buti na lang at hindi ako ganon. Baka nawalan pa ako ng trabaho.
"Sige po, tatapusin ko na po agad ang pagpupunas ng malinis ko na po ang kwarto ni señorito EJ." Magalang kong sagot dito.
Inismiran lang ako nito at umalis na. Ang matandang iyon talaga. Kung makaasta akala mo naman sya ang may ari ng mansyon na ito.
Napabaling naman ang atensyon ko kay EJ na nasa isang tabi at nakangising nakatingin lang sa akin. Sabi na eh, may binabalak talaga ito.
Tsk.
Ipinagpatuloy ko na lang muli ang pagpupunas. Minuto lang naman ang itinagal at natapos na na din ako, kakaunti na lang naman kasi ang punasan ko.
Ibinalik ko na muna ang ginamit ko sa isang silid kung saan nakalagay din ang ilang mga panglinis. Katabi lang din ito ng maid's quarter. Kumuha din ako ng pamunas,walis tambo at dustpan saka nagtungo sa third floor kung nasaan ang kwarto ni EJ.
Napatigil ako saglit ng maalalang hindi ko nga pala alam kung nasaan ang kwarto nya. Ang alam ko lang ay nasa third floor ang kwarto nito.
"Sa may bandang kaliwa ang kwarto ni EJ." Nagulat ako ng nasa tabi ko si señorito Sean. "Sa unang pinto."
BINABASA MO ANG
Love made in Art
Romancemics_@rts Love made in Art Broken Affection Series #1 Female Lead: Mics L. Sullivan Male Lead: EJ B. Montez She love painting so much that she could even dream about being a successful and well-known painter artist. But for her life that she have, i...