Chapter 9: Spilled Soup

10 3 1
                                    

(Credits to the owner of picture)

                               Rees Pov:

"R-Rees kailangan ko nang umuwi"

"Yes, I agree. But not with empty stomach. You have to eat before you go. "

Dahan-dahan kong hinati ang itlog sa sopas at hinalo ito sa sabaw habang mainit pa. Inalalayan ko rin ang nanghihinang babae at ini-upo. I sat in front of her, ganun na lamang ang panghihina nya na kahit pa iangat ang kutsara ay hindi nya magawa.

Kaya naman minabuti kong kunin ang mangkok at kutsara na hawak nya at sinubuan ko sya. At first nahihiya pa sya hindi rin sya maka tingin ng diretso kaya pinangunahan ko na. Sumandok ako gamit ang kutsara at inilapit ito sa bibig nya, dahan-dahan naman nya iyong sinubo at nginuya ng tahimik.

Her mouth is so soft I can feel it in every chew she makes. Halata ring malambot ang mga mapula nyang labi at mas lalo pang nagpa-cute sa kanya yung mahinang tunog ng pag-nguya nya. Muli akong sumandok ng sopas at isinubo ulit ito sa kanya, gaya kanina naririnig ko parin ang mahinang tunog na gawa ng pag-nguya nya. I focused my eyesight at her smooth red lips once again, down to her chin.

Napalunok akong bigla. Ano itong nararamdaman ko? Pinagpapawisan rin ako habang nakatingin sa lips nya, at ang dibdib ko? Bakit ganito ang kabog? Kalmado pero nakakaramdam ako ng ibang pakiramdam. Medyo mainit rin ito sa katawan.

Sa pangatlong subo ko ay hindi ko alam pero nanginginig ang kamay ko dahilan para mapasobra ang kutsara sa bibig nya at natapon ang iba rito. Nalagyan ng sabaw ng sopas ang gilid ng labi nya, natuluan rin ang baba nya na dumeretso papunta sa leeg at collar bone nya.

"I-I'm sorry..."

"Ayos lang..."

I grabbed a tissue after I apologized at inabot ko ito sa kanya para punasan ang tumulong sabaw sa katawan nya...

Ugh, what am I thinking? Hindi nya nga pala magawang igalaw nang maayos ang katawan nya. Dahil nga roon walang atubili kong pinunasan ang gilid ng lips nya and she did something I didn't expected.

Nilabas nya nang kaunti ang dila nya at ginamit ito pamunas sa taas ng lips nya papunta sa magkabilang gilid nito, parang gumawa lang ng konting silip ang dila nya. 

It's so cute to see how her tongue wiped her soft lips. Mas lalo akong pinagpawisan. Sumunod ko namang pinunasan ang kanyang baba at leeg.

Para hindi mabigla ang katawan nyang nanghihina I made it softly, malumanay kong pinunasan ang tulo sa leeg nya and she suddenly giggles. Siguro ay nakiliti sya kaya naman tumawa sya nang mahina at saka tinakpan ang leeg nya gamit ang baba at magkabilang balikat.

Damn, mas lalo syang naging cute. Ngayon ay namumula na'ko. Basang-basa narin ng pawis ang damit ko.

Mas lumala ang lahat nung akala ko napunasan ko na lahat ng natuluan pero nanlaki ang mga mata ko nang makitang may tulo pa sa baba ng leeg nya... Sa mismong gitna. Padiretso mismo ang tulo sa maputi nyang cleavage.

Nakaramdam ako ng sobrang init ng katawan at pansin kong lumaki ang patak ng mga pawis kong tumutulo. At ang init ng katawan ko ay umabot na rin hanggang sa ibaba. Ramdam ko na hanggang talampakan ang init na kanina ay nasa pang-itaas na bahagi ng katawan ko lang.

Nakakahiya mang isipin pero, pati ang nasa loob ng pantalon ko, ang nasa gitna ng hita ko ay bigla na lang naninigas.

Napapikit ako panandalian at umiling. Tumayo ako kaagad sa kama at nilapag ang sopas sa mesa na nasa tabi...

"Uhh excuse me for a while."

Hindi ko na sya hinintay na sumagot at nauna na akong umalis. Pagkalabas ko ng kwarto ay tinawag ko si Mara na kaagad namang lumapit.

The Diarist Tale   (Volume 1)Where stories live. Discover now