Chapter 31: Family

2 1 0
                                    

Sophia's Pov:

"All I heard that time was a sound of a Siren... And there's this guy... He approached me. Hindi ko na masyadong maalala yung mga pangyayari non pero bago ako totally mawalan ng malay malinaw sa'kin at alam kong binuhat nya ako... Y-Yun lang po.. wala na akong ibang maalala pa"

Pagpapaliwanag ko sa Police Officer na naka tayo sa harap ng kama. Kasalukuyan akong nasa Hospital ngayon. At eto si Tita hindi na nahiyang bungangaan ako sa harapan ng mga kaklase ko at mga Pulis. Ang ingay-ingay nya for real. Pero ano pa ba magagawa ko? Nagaalala lang rin naman sya...

Siguro kung hindi pa pumasok yung Doctor hindi pa sya papaawat eh. Pinakiusapan ng Doctor ang mga nakapalibot sa'kin na kung maaari ay lumabas na muna para naman mas maging okay ang pakiramdam ko dahil kakamalay ko lang.

Bukod sa Police Officer at kay Tita andito rin sila Cassandra, Josh, David, King, at Connor...

Nakaisip nanaman ako ng kalokohan... "Bakit nga pala kayo naka suot ng itim na bonet at jacket? Hala! Member kayo nung Gang noh?" pasadya kong parinig sa Police Officer sa tabi nilang apat.

"Hindi ah!" Sabay-sabay nilang sabi sabay nagsiksikan sa gilid habang nakatingin sa Police Officer. Likewise, seryosong nakatingin din yung Police Officer sa kanila na para bang naghihinala. "Joke lang" natatawa kong sabi.

* * * *

Makaraan ang isang oras nang iwanan ako ng mga bisita ko gaya ng bilin ng Doctor, umupo ako sa Hospital bed at kinuha ang Diary ko sa bag ko.

Habang nagsusulat ng Diary hindi maalis sa isip ko yung sinabi ni Cassandra kanina na si Rees ang bumuhat sa akin bago pa man ako mawalan ng malay... So ayun na nga, kasalukuyan kong bina-backstabb si Rees dito sa Diary ko. Tyaka bakit kasi hindi sya bumisita? Bakit kanina pag gising ko wala sya dito?.

Gayunpaman. Mabuti naman daw at ayos na ang lagay ni Andrei, according sa ginawang pagsusuri wala naman daw syang natamong malubhang injury. Kailangan nya na lang rin daw magpahinga.

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang bumukas yung pinto... "Sophia!!!" Tumatakbong halos humagulgol na si Yumi habang tinatawag ang pangalan ko.

"Oh ano? Sino ang mukhang naiiyak na bata sa atin ngayon, ha?" Pabiro kong sabi sabay yakap sa kanya nang makalapit sya sa'kin.

"Malalim na ang gabi ha pwede namang bukas ka na lang bumisi-"

"Hinde! No no no bes! Hindi ako makakatulog hanggat 'di kita nakikita. Kani-kanina ko lang nabalitaan yung nangyari kaya nagmadali akong pumunta dito"

Napasimangot ako. Kanina kase nung huli kaming nag kita... "Yumi I'm really sorry talaga! Dapat hindi kita inaway ehh yung tungkol kase sa gulong toh yung bumabagabag sa'kin, tapos iniisip ko rin yung paparating na Family Day kaya parang bumigat yung nararamdaman ko a-"

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nang yumakap sya sa'kin at hinimas-himas yung ulo ko... "It's okay, Sophie, you do not have to worry about it. Let's just forget it na lang. Ang mahalaga okay ka na."

"Maldita lang talaga ako kaya ganun" Nakanguso nya pang dagdag. Nagtawanan kaming dalawa. "Oo nga pala, bakit hindi pa pumapasok yun?" tanong ni Yumi.

"Hmm? Sino?"

"Alreesavin" nakatingin sa labas nyang sabi.

Ha? So andito sya? Wait lang binabawi ko na yung backstabb ko sa kanya sa Diary ko...

The Diarist Tale   (Volume 1)Where stories live. Discover now