Chapter 21: A little change

5 1 0
                                    

(Credits to the owner of picture)

Sophia's Pov:


Monday morning, as usual maaga akong gumising para paghandaan nanaman ang pagpasok ko sa School.

I don't know pero ang saya ko ngayong araw. Dati kase sobrang nakakatamad tong araw na toh pero ngayon hindi ko ma-explain pero parang gustong-gusto ko na pumasok.

Ngingiti-ngiti ako sa salamin habang nag to-tooth brush, ini-imagine ko parin yung nangyari nung isang araw.
Mas lalo na nung sinusulat ko yung pangyayaring yun sa Diary ko...

Sobra yung kilig ko habang nagsusulat ng nangyari nung lumapit ako kay Alreesavin para ayain syang mag miryenda

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sobra yung kilig ko habang nagsusulat ng nangyari nung lumapit ako kay Alreesavin para ayain syang mag miryenda.

Napatayo si Tita Amie sa likuran ko na hindi ko namalayang nakatitig na pala sa'kin habang nangingiti mag-isa sa harap ng salamin sa lababo.

"Hoy, ija ano yan ha?" naniniguro nyang tanong habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Wala po Tita, naka smile lang" nakangisi kong sagot.

"Sus, wala lang daw. Pag yan lalake ha."

Hindi ko na lang sya kinibo at dinura ko na sa lababo ang toothpaste sa bibig ko at nag hilamos muli saka umalis.

"Aalis na po ako" masaya kong paalam kay Tita.

"O' sya sige, hayan, nasa lamesa ang baon mong sandwich."

Agad akong lumapit sa lamesa at kinuha ang lunch box sabay kuha pa ng isang sandwich sa plato at nilagay sa loob.

"Hmm, 'di mo sinabi sa'kin na bitin pala yung dalawang egg sandwich sayo."

Ngumiti lang ako ulit kay Tita. Actually busog na'ko dito sa dalawa. Gusto ko lang ibigay kay Rees tong isa.

* * * *

Pag dating ko sa school ay mas lalo akong na-excite. Parang ang saya-saya ko. Sa sobrang taas ng level of happiness ko today aksidente ko pang nangitian tong babaeng gustong-gusto kong tirisin. Pero ang swerte nya totoo tong ngiti ko sa kanya ngayon hindi naman ako kagaya nyang fake.

Pagdating ko sa classroom hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ko si Rees na nakaupo nang tahimik sa likuran.

"Hoy babaita" sarcastic na tawag sa'kin ni Yumi sabay tusok ng hintuturo nya sa tagiliran ko.

"Ano?"

"Anong 'Ano?' ha? ba't ngingiti-ngiti ka dyan?"

"Masama ba mag smile?" Nakangiting sabi ko.

"Kapag naka ngiti ang sindikato ibig sabihin meron nanamang modus."

The Diarist Tale   (Volume 1)Where stories live. Discover now