(Credits to the owner of pictures)
Yumi's Pov:
10:09A.M malapit na magstart ang last period namin ngayong umaga btw this afternoon wala kaming pasok so after this class wala na kaming gagawin kaya napagisip-isip kong ayain na lang si Sophia lumabas para makahinga naman sya ng maluwag-luwag. I am worrying about her, ipit sya sa gulong toh idagdag mo pang Member ng sigang grupo ang nakaharap nya. Sa pag-aalala ko lumapit na ako kay Cassandra...
"Hello, Cassandra name mo, right?"
"Uhm...Oo..."
"I just wanna ask if anong klaseng Grupo yung Brotherhood?"
Napahinto si Cassandra sa pagsusulat.
"B-Brotherhood is a Hostile group of youth na walang kinikilingan. Ang tanging kinakatakutan lang nila ay matanggal sa eskwelahan hindi dahil sa hindi na sila makakapag-aral kundi dahil kapag napaalis sila sa school mawawalan sila ng mabu-bully at hindi na nila mapaghaharian ang paaralan na ito"
"Pero hindi ba sila nananakit ng babae?..."
tanong koumiling si Cassandra...
"They do not care if anong gender ang makaharap nila, wala rin silang pakialam kung bata o matanda basta ang lahat ng humaharang sa kanila ay tinuturing na agad nila na kaaway. Basta may magawa kang hindi nila nagustuhan? manganganib talaga ang buhay mo."
So that means... Sophia is...
hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil ayaw ko ring isipin at hindi ko rin ma-imagine ang pwede nilang gawin."Anong grade ang grupong toh?" tanong ko kay Cassandra
"Nagkalat ang grupo nila sa buong school" sagot nya.
Gosh! I can't believe even a Junior Highschool students are involved here. Base sa kwento ni Cassandra, yearly every graduation ng Grade 12 members ng Brotherhood nagpapalit sila by recruiting new members sa mga incoming Grade 7 o kahit sa mga estudyante all over the campus na gustong sumali. Safe ka as long as nasa loob ka ng school pag school hours, hindi ka nila gagalawin for their own safety na rin, Pero pagpatak ng oras ng dismissal dun na lumalabas ang pagiging hayop at bayolente ng grupo, bagay na kinakatakutang mangyari ng mga target nila. They only harm their target once na nasa labas na sila ng paaralan.
Mas lalo akong nakaramdam ng takot nang malaman kong nasa Humss Class B yung lalakeng nakaaway ni Andrei kanina.
Kaya agad kong tinawagan ang boyfriend ko. Nagbilin ako sakanya na huwag na wag syang gagawa ng kahit na anong makakapag-dawit sa kanya sa gulo lalo na sa mga myembro ng Brotherhood. Kagaya ni Sophia ay transferee lang rin ako kaya wala pa akong masyadong alam tungkol dito sa school na toh.Pagbalik ng mga kaklase kong lumabas kanina nagpapalakpakan sila habang hawak ang isang papel.
"Ano kamusta?, anong sinabi sainyo ng Principal?" tanong ko sa kanila. Inabot naman ni Connor sa'kin ang hawak nyang papel.
Teka letter of Suspension ito ah! sabi ko at nagpalakpakan sila ulit sabay tawa. Maya-maya pa pumasok na rin sina Andrei at Sophia tiningnan ko lang saglit si Andrei at ibinaling ko na agad ang tingin ko kay Sophia I hold her hands and told her to be careful at all times, Especially outside the school
Sophia's Pov:
Kinwekwentuhan ako na parang wala ng bukas ni Yumi tungkol sa Brotherhood wala syang tigil sa pagsasalita umiikot na rin paningin ko sa daming impormasyon pinagsasabi nya sa akin. 11:00A.M na, dismissal time. Naunang tumayo si Yumi at hinintay ako after I packed my things hinila nya ako palabas sa pagmamadali halos madapa pa ako

YOU ARE READING
The Diarist Tale (Volume 1)
De Todo(Volume 1 Completed) A journey to a happy new life! Keep on writing your diary until destiny write your very own story!