Chapter 32: Somewhere

2 1 0
                                    

(Credits to the owner of pictures)

Sophia's Pov:

Ang saya-saya ko habang kasama ang mga kaibigan ko at yung mga parents nila. Eto busy ako nakiki-Mama sa Mama ni Cassandra. Anak nya daw muna ako ngayong araw.

Pero syempre Mama ko parin si Tita Amie ko, we had a lot of fun together...

Akala ko ako yung pinaka malungkot dito kanina kasi wala akong mga magulang hanggang sa makita ko si Alreesavin.

"Uyy Rees, bakit ikaw lang? Saan parents mo?" Nakangiti kong tanong.

"Wala" matipid nyang sagot. Pansin ko ring hindi sya masyadong nakikilahok sa mga palaro sinubukan namin syang i-belong sa'min pero ayaw nya. Basag trip rin talaga tong lalakeng toh. Mas pinipili nyang maging manager ng sound system kesa makisaya sa'min.

Hindi nya nga kasama parents nya pero...

"Kuyaaa!" Sigaw ng batang babae habang tumatakbo ito palapit sa kanya.

"What now Thea? Diba sabi ko mag laro ka lang dun?"

"I'm bored na kasi eh. Gusto kita kalaro!"

"Busy din ako"

Sabagay, since Family Day naman toh kaya counted parin ang siblings. Ibinaling ng bata yung tingin nya sa'kin.

"Kuya..." sabi ng bata habang nakatitig lang nang diretso sa'kin, hinawakan nya yung kamay ni Rees.

"Diba sya yung nasa wallpaper mo?" Dagdag pa nya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. What? Ako? Wallpaper ni Rees? Wehh? Nakaka-Shocks! (Ayy sheyt! I know something is happening here...)

"Gutom ka na ba? Here, get some foods you can eat." Pagputol ni Rees sa eksena at pinapunta yung bata sa mesa.


Author's Pov:

Pinaupo ni Alreesavin ang nakababata nyang kapatid sa mesa at sinubuan nya ito nang sinubuan hanggang sa mapuno na ng pagkain ang bibig nito. Hindi kasi nya matanggap na binuking sya ni Thea sa harap mismo ni Sophia.

Ramdam din naman ng bata na tino-torture nanaman sya ng kuya nya pero hindi nya lang yon pinansin, basta nagpatuloy lang sya sa pag subo ng mga pinapakain ng kapatid nya sa kanya.

* * * *

Matapos ang halos apat na oras na program nagsi-alisan na isa-isa ang mga estudyante kasama ang mga magulang nila. Ang magkakaybigan naman ay napagpasyahang hindi muna umuwi at gumala na lang muna kasama ang kani-kanilang mga magulang.

Dahil sa kanya-kanyang gawain, hindi nakasama ang mga magulang nila. Pero gustong sulitin ni Elysse ang araw na ito kaya naman sya lang abg nakasama.

Sophia: Hindi ka sasama, Tita?

Amie: Pasensya na Ija, kailangan ko na talagang umalis.

Nagtataka ang dalaga, ngayon lang kasi tumanggi sa gala ang Tita nya, siguro dahil na rin sa busy ito. Dagdag pa nito sa isip nya.

The Diarist Tale   (Volume 1)Where stories live. Discover now