Minsan talaga parang bata kung umasta tong Sophia na toh eh hmmp crush nya naman si Rees.
Nakatambay kami nina Sophia, Cassandra, at Annie sa Gym nang biglang magsidatingan ang kapwa namin mag-aaral magmula First year hanggang Senior Highschool. Kasama rin ang mga teachers namin at nagsi-pwestuhan sila sa Gymnasium.
Pumunta na rin kami sa talagang pwesto namin nang makita namin ang mga kaklase namin.
Base sa kwento ni Connor ngayon daw ipapakilala ang bagong members ng School Student Council.
Naputol ang usapan namin ni Connor nang magsalita ang Principal namin sa harapan. Gaya everyday mukha parin syang mangkukulam. Ang gulo parin ng buhok nya na kaagad naman nyang hinawi-hawi gamit ang kamay nya nang makita nya akong nakatayo sa gilid ng bench malapit sa stage kung nasaan sya.
"Hmp, marunong karin palang tablan ng babala eh" nakangiti kong sabi sa isip ko.
"Hindi ko na patatagalin pa. I would like to introduce to everyone of you our newest School Student Council President and Vice President."
Nagkaroon ng konting bulong-bulungan ang mga nasa tabi ko. Magbibitiw na daw sa pwesto ang dating Presidente ng School student council at ipapasa nya ito sa hahaligi sa kanya na nasa ika-labing-isang baitang.
So that means one of us, grade 11 students will be the next School Student Council Representative for the position of President?.
Umupo na ako matapos marinig ang bulong-bulungan na iyon. Ipinasa ng Principal ang mikropono sa kasalukuyang School council president para sa kanyang huling mensahe bilang Presidente...
"Sa bawat hakbang na ating nilakbay, tayo ay nagtagumpay bilang isang samahan. Ang pagiging bahagi ng Student Council ay hindi lamang tungkulin kundi isang karangalan. Maraming salamat sa inyong tiwala at suporta. Patuloy nating ipagpatuloy ang pagtutulungan sa tulong ng hahaligisa'king pwestong iiwanan para sa ikauunlad ng ating paaralan."
Matapos syang magsalita ay ibinalik nya ang mikropono sa Principal namin kasabay nang masigabong palakpakan ng mga estudyante...
"Now, for our most awaited moment for this gathering. I would like to introduce to you our new President and Vice President."
Nagpalakpakan anh lahat nang tumayo sa entablado ang dalawang kalalakihan. Isang Grade 12 at isang Grade 11. Nagulat hindi lang ako kundi pati na rin ang mga kaklase namin nang makita na ang papalit na President ng School Student Council ay si Rees.
Napalingon ako kay Sophia na sobrang ngiting pumapalakpak kay Rees na agad namang tumigil sa pagpalakpak at namumula ang pisngi na yumuko nang ngitian ko sya dahil nahuli ko syang naka-heveanly smile na nakatingin kay Alreesavin.
"HAHA, huli ka ate girl" nakangiti kong sabi sa isip ko habang nakatitig kay Sophia na ayaw pang tumingin sa'kin eh nahuli ko naman sya.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
As usual, malumanay na nagsalita si Rees habang binabanggit ang prepared speech nya.
Sophia's Pov:
Kita nanaman nya ako. Mamaya ipang-aasar na nya toh sa'kin.
Tahimik na lang akong nakinig sa speech ni Rees. This is my first time to hear his voice loud. Nang matapos si Rees magsalita ay nagpalakpakang muli kaming lahat at kasabay non ang pagbigay nya ng microphone sa bagong Vice President.
So ayun na nga, nakita ko nanaman sya. Gaya nga ng sabi nyang "Hindi malalayo" nakita ko nanaman sya.
Yung lalake kanikanina lang yung bagong VP ng School Student Council. Gaya ni Rees ay malumanay syang magsalita at nag jo-joke din habang nag s-speech. Medyo napapalitan ng inis yung tuwa ko nang marinig ang tawa ni Drama Queen dito sa malapit sa'kin. Haynako panibagong pagpapakitang tao nanaman sya.