Chapter 29: Brotherhood

2 1 0
                                    

(Credits to the owner of pictures)

Author's Pov:

Kasalukuyang nakahilata si Sophia sa kama nya habang nagriring ang alarm clock sa kanyang tabi na tila ba hindi nya naririnig. Blangko ang pag-iisip nya sa dami ng nangyari kahapon.

Dahan-dahang binuksan ng kanyang Tita Amie ang pinto ng kwarto nya at pumasok.
"What's wrong, honey?" Tanong nito sabay umupo sa kanyang tabi at magaang nilapat ang palad nito sa noo ng dalaga.

Hindi ka naman mainit. Meron bang nangyari kahapon?. "Wala po tita" matamlay na sagot ng dalaga saka tumayo sa higaan at bumaba para makapag handa sa pagpasok sa school.

"Ija may pritong fish dyan gaya ng favorite mo, nag sangag rin ako ng kanin at may kasama pang sunny-side-up yan" nakangiting sabi ni Amie pero hindi parin mawala ang simangot sa labi ng kanyang pamangkin. "Hindi po ako nagugutom..."

"Ah ehh... P-Pero Sophia baka abutan ka ng gutom o baka mas lalo kang manghina nyan...baka mawalan ka rin ng focus lalo na't final exam nyo ngayon."

"Wala po akong gana..." Nakasimangot na sagot ng dalaga habang naka upo sa harap ng hapagkainan.

"Okay ganito na lang ipapabaon ko na lang sayo yung dapat na aalmusalin mo ngayon ha?" Nakangiting suhestiyon ni Amie sabay haplos sa pisngi papuntang baba ng pamangkin nya.

Sophia's Pov:

Gusto ko muna sanang lumiban sa klase pero hindi pwede. Buong gabi akong puspusan sa pag rereview. Kulang na nga sa tulog dami pang iniisip. Ano kayang gagawin ng Brotherhood kay Andrei o kahit pa sa iba nilang target? At saka...

Hindi rin maalis sa isip ko yung nakuha kong pulang papel galing sa kanila at yung tattoo sa kamay ni Ruzzel. Napailing ako. Hinde, hindi pwedeng ito ang bumalot sa akin. Hindi ang mga ganitong aalalahanin ang dapat kong iniisip. Napahawak ako sa lababo at tumingin sa salamin. Kumalma ka Sophia. Focus sa ni-review mo for today's final examination.

* * * *

Pagkatapos kong makapag ayos ay pumasok na ako agad-agad. Wala pa namang oras, maaga pa kaya naman pumunta muna ako sa Library dahil tahimik ang lugar dito, maganda't piling lugar para makapag review pa isang beses bago ang exam.

Pinagsabay-sabay kong binuklat ang mga notebook ko sa bawat subject namin ngayong araw at walang tigil na binasa iyon nang binasa.

"Good luck" napahinto akong panandalian at tumingin sa lalakeng nakatayo sa gilid ko. Yung kaibigan ni Ruzzel, yung Vice President ng School Student Council.

"Likewise" matipid kong sagot at tinuon na ulit ang atensyon ko sa nire-review ko. Naglakad sya palayo sa'kin sabay sabing "Mag-iingat ka palagi". Napapikit ako at napakamot sa noo. Naiinis na ako dahil alam kong babala nanaman yun para sa pwedeng gawin samin o sa'kin ng Gang. Aminado akong takot ako hindi lang para sa'kin kundi para na rin sa iba pang mga madadamay. Pero sya ba? Hindi ba sya natatakot? kahapon nga lang balisa na rin sya eh.

* * * *

Nasa kalagitnaan na kami ng pagsusulit. Napakatahimik ng paligid hindi lang sa room namin kundi sa mga katabi pang mga silid-aralan halatang napaka seryoso ng lahat tipong wala kang ibang maririnig kundi tunog ng paglipat ng pahina sa test questions.

The Diarist Tale   (Volume 1)Where stories live. Discover now