Chapter 14: That Girl

6 2 0
                                    

(Credits to the owner of pictures)

Sophia's Pov:

"Ano na lang kaya sasabihin ni Tita sa'kin?. Sa buong klase namin ako lang yung bagsak." Hindi ko mapigilang mag-overthink dahil ayaw ko bumagsak kahit na anong mangyari. Ilalaban ko yung grades ko kasi gusto kong manatili sa pagiging Honor Student.

Ngayon lang toh nangyari at ayoko namang isipin ni Tita na nagiging pabaya na ako sa studies ko.

Nang makarating kami sa Office ng teacher namin hindi sya nahiyang pagalitan ako kahit pa may ibang mga teachers at students sa Office...

"Mss Santos sabihin mo nga saken, anong ginawa mo buong maghapon?. Bakit out of fifty items one lang ang nakuha mo!. Paano na kung nagkataon na mali yung sagot mo, ha?! Mss Santos this is a warning for you. Huwag mong gagawing kalokohan o katatawanan lang yung subject ko ha, or else you will regret."

He even compared me dun sa babae na nasa office.

"Ba't 'di mo gayahin itong si Mss Adorna? Fifty out of Fifty ang score nya. Kung tutuusin busy pa sya sa pag ru-run sa paparating na school election pero napaglaanan parin nya yung paparating na Exam. Tapos ikaw, ikaw na walang ginagawa babagsak ka? Sa susunod huwag kang pa-chill chill lang."

May namumuo nang luha sa mga mata ko.
Tumayo sya sa teachers chair at pinagalitan ako nang malapitan...

"Sa susunod kapag sinabing may Exam, may exam! Huwag kang tatanga-tanga next time!" Madiin nyang sabi sabay mahinang tulak ng daliri nito sa noo ko.

"S-Sir hindi naman po ako nagchill lang ehh"

"Hoy, teacher yang kausap mo, wag ka ngang magsalita. Huwag mo syang pagsasalitaan."  Satsat nung babaeng pinuri nya kanina.

Napalingon ako sa babae na yun...
"Hindi ko naman sya pinagsasalitaan, nagpapaliwanag lang ako"  naiiyak kong sabi...

hindi ko na napigilan yung mga luha ko na bumagsak. Pinunasan ko na lang ito gamit ang magkabilang palad ko.

Humarap sa ibang direksyon ang babae at pasimpleng kinurot nang malakas ang tagiliran ko.

"Ano bang problema mo?" Naiinis kong tanong habang nagpupunas ng luha.

"Wow, sinabihan lang kita na teacher yang kausap mo galit ka na? Ano bang ginawa kong mali? Jusko naman teh, ang gusto ko lang naman magkaroon ka ng paggalang sa mga guro nating walang sawang gumagawa ng paraan para mabigyan tayo ng aral at leksyon. Inawat lang naman kita kasi wala kang manners eh!"  Pagfe-feeling victim nyang sabi sa harapan ng teacher namin saka hinaplos ang mukha nito na parang iiyak na din...

"Wala naman problema sa'kin yung pagsang-ayon mo sa teacher namin. Pero yung sinasabi ko, bakit mo pa ako kailangan saktan!"

"Ah, wow ako pa talaga yung mananakit?. Kaya nga I am running for the position of School's Peace Officer para magkaroon ng kapayapaan sa school at para tumulong sa kaayusan tapos...tapos pagbibintangan mo pa ako? Ako talaga? Sa harapan ni Teacher Khal?" At tuluyan na syang umiyak

"Nakakapagod na ngang tiisin yung init isa-isa ko lang mapuntahan yung bawat Classrooms na gusto kong pagsisilbihan at makamusta kayong lahat tapos ganyan pa ibibintang mo sakin? Ang sama-sama talaga ng ugali mo!" Hagulgol nya sa harapan ng Teacher namin na agad naman syang pinatahan.

The Diarist Tale   (Volume 1)Where stories live. Discover now