Chapter 20: Charming

6 2 0
                                    

(Credits to the owner of pictures)


Sophia's Pov:

"Dear Diary

Isang umagang kay ganda nanaman ang sumapit. Araw ngayon ng sabado Hunyo 22, 2024. Naririto ako sa Parke kasama ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung paano pero ang ganda ng salubong ng araw na ito. Siguro dahil na rin sa nakapasyal akong muli. Sa paligid maririnig ang huni ng mga ibon habang sila'y tumatawid sa himpapawid, mga bata na naglalaro na may ngiti sa labi na hindi maiwawaglit, mga ulap sa langit na kay tingkad na tila naka-ukit."

Maya-maya pa ay may biglang tumabi sa'kin. Isang lalake na may hawak na Gitara at tinugtog ito sabay kumanta sa tabi ko.

Napahinto ako sa pagsusulat, hindi ko alam kung panaginip ba ito o nangyayari talaga pero... si Alreesavin ang tumutugtog ng Gitara at kumakanta sa tabi ko. I do not want him to be upset if I leave, thus I sat still and look a far. Medyo may tampo pa rin kasi ako sa kanya dahil sa pagkainis ko sa kanya kahapon.

Ipinwesto ko ang braso ko sa tuhod ko at sinandal ang baba ko sa palad ko. Nangingiti rin ako dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Siguro dahil ang romantic ng dating. I know he's not doing this for me ni-hindi nya rin alam na nandito ako. Tumabi lang sya sa'kin at kumanta habang nag gigitara but still...

Nanahimik lang ako habang tumutugtog at kumakanta sya. His voice is so calm. Tipong ang sarap pakinggan.

Pasimple akong sumilip sa kanya habang tumutugtog. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil nakikita ko rin na natutuwa sya sa ginagawa nya.

Iniikot-ikot ko yung ballpen ko sa mga daliri ko habang nanonood kay Rees na nasa tabi ko.

Napansin ko ring medyo nagkaroon ng kumpulan ng mga babae sa paligid at nanonood rin sa kanya.

Hindi ko nabalanse ang pag-ikot ng ballpen sa mga daliri ko kaya naman nahulog ito at gumulong papunta sa paanan ni Alreesavin.

Yumuko ako sa kinauupuan ko at inabot ang ballpen nang bigla rin syang yumuko at dinampot ito.

Napulot ko ang ballpen sa lupa habang ang kamay nya naman ay dumeretso sa kamay ko. Nagsabay kaming nag-angat noo dahilan para magdikit ang ilong naming dalawa. Dumikit rin ang noo ko sa noo nya.

Owemji! Sh*t ba't ganito?! Nauna akong umiwas ng tingin at tuluyang kinuha yung ballpen sa lupa at tumalikod. Ang awkward. Nakakahiya!.

Napakagat ako sa labi ko at hindi parin tumitingin sa kanya. Sya naman hindi na ulit tumugtog at nanatiling walang imik hindi na ako ulit humarap sa kanya pero alam kong naka upo parin sya sa tabi ko.

Author's Pov:

Matapos ang pangyayaring yon nanatiling walang kibo ang dalawa. Pero pareho silang may gustong sabihin na hindi nila mailabas.

Rees: Should I ask her to have some foods with me?

Sophia: Ano kaya kung ayain ko sya mag miryenda tutal nandito naman na kami...

Rees: It's almost a year since the school year started pero hindi parin kami halos nagkakausap. But wait. Why do I care? Kung tutuusin ayoko naman talaga sa mga conversations pero...

Sophia: Ugh! Bakit ang awkward awkward neto? Dapat ba ganito maramdaman ko? Eh ano naman kung nagtama ilong at noo namin? Dapat ba may meaning lahat ng bagay-bagay?.

The Diarist Tale   (Volume 1)Where stories live. Discover now